Denisse Gonzales
"Doc, kamusta na po ang anak ko? Is he alright?" Puno ng pag-aalala kong tanong sa doktor.
Halos himatayin ako sa takot ng ilabas nila si Janisse na nakahiga sa stretcher mula sa loob ng paaralan na punong-puno ng dugo. Ang sabi ng mga police ay nasaksak daw ito ng mga hostage taker. Sunod na inilabas ay si Jaiden na nakahawak sa kamay ng ama niya na nakasakay rin sa stretcher at naliligo sa sariling dugo.
Noon ko lang nakita si Jaiden na umiyak ng ganoon. Namumutla ang mukha nito at mugto ang mata.
"Your child is okay. Naisara at nalinis na namin ang sugat niya but I found something unusual with him. Do you know a carrier in your family by any chance?" Tanong nito sa akin.
"Me and my papa is a carrier po. Bakit po, Doc?"
"Ijo, your son is a carrier but unfortunately he has a weak heart. I advice you to visit an OB GYNE and a Cardiologist para mabigyan kayo ng mga paghahanda. Alam mo na naman siguro ang risk ng yearly menstrual cycle niyo."
Matagal na akong naghihinala na katulad ko si Janisse what I didn't expect is his weak heart. Noong ipinanganak ko ito, nabahala ang mga doktor dahil saglit na tumigil sa pagtibok ang puso nito. After that incident wala na naman itong problema at minsan lang din itong magkasakit.
"Yes po, doc. Thank you po." Pasasalmat ko dito.
"You're welcome. I should go now, na transfer na namin ang bata sa isang private room dito." Paalam nito bago umalis.
Matapos ang pag-uusap namin ng doctor, naglakad na ako papunta sa kwarto ni Janisse. Itinext ko nalang kay Miggy ang room number. Sinamahan kasi nito si Jaiden na maigamot ang mga mumunting pasa at galos. Doon rin ako nanggaling at nakasalubong lang ang doctor sa daan.
Habang nilalakbay ang hallway patungo sa kwarto ni Janisse, nadaanan ko pa ang pamilya ni Jonas na naghihintay sa labas ng ER. Hindi ko man nakikita pero ramdam kong sinundan ako ng tingin ng kapatid niyang si Nathan.
Nabangga pa ako ni Shanice na humihingal na tumakbo papunta sa kanila.
Gustuhin ko mang tanungin sila sa kalagayan ni Jonas, minabuti ko nalang na itikom ang bibig ko at itago iyon sa kaibuturan ng puso ko. I know he will be fine without me. Without us.
"Oh my goodness! Anong nangyari kay Jonas?!" Ang narinig kong tanong niya.
"He was shot while trying to negotiate with the hostage takers. Sinaksak kasi nito ang isang bata."
"Why'd he do that? Hinayaan niya na lang sana ito. That's not his job. Bakit pa siya nakikialam?"
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang huling sinabi. Bakit ang sarap niyang balikan at sabunutan? Buhay ng mga bata ang pinag-uusapan dito. Paano kung hindi dumating si Jonas dala-dala ang hinihingi nitong pera? Makakalabas kaya ng buhay ang mga bata doon?
If Jonas weren't there, buhay pa kaya ang mga anak ko?
Pagpasok ko sa kwarto, nadatnan ko si Janisse na mahimbing pa ring natutulog. Lumapit ako dito't hinagkan ang kanyang ulo.
Pagtingin ko sa orasan ay nasa bandang ala-siete na pala. Around three to four noong natanggap ko ang tawag mula sa teacher nila. Mabuti na lang at nandoon si Miggy, ito ang nagpakalma sa akin at ang nagdrive sa akin papunta sa school ng kambal.
Dalawang araw na rin simula ng umalis kami sa puder ni Jonas. Akala ko ay magiging okay na eh pero heto at muntikan ng mawala sa akin ang mga anak ko.

YOU ARE READING
JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]
General FictionJuariz Bachelors #3 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED How long can you keep up with the lie? He's a perfect leader: smart, wise, and rich. Narcido Jonas Juariz stood proudly at the top of the chain. After all, he is a man molded after generations of...