27

93.2K 2.8K 796
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

"Dada, masakit po ba mag-kiss si daddy? Bakit ka po umiyak kanina?" Napalingon ako kay Janisse nang marinig ang kanyang tanong.

Bakit nga ba ako umiyak? Hmmm... maybe because for a brief seconds I feel like I'm living my dream. Noong inanunsyo ng pari iyon at noong tinawag ni Jonas ang pangalan ko para halikan ako, that's how I knew I fucked up. That's how I knew I fell hard for him again and it's so unfair. It's so unfair how easy he can capture me and break me at the same time.

Kung kailan ko naisipang bumitaw doon naman kumapit si Jonas at hindi ko na alam kung dapat ba pa akong kumapit pabalik. Natatakot akong sumugal ulit but it's so hard to resist his signals. Sobrang rupok ko pagdating kay Jonas at ayoko ng ganito. Kasi siguradong mahihirapan na akong bumitaw ulit. For eight freakin long years I waited and prayed so hard for all of this to happen. Kahit isang araw man lang masubukan ko kung paano mahalin ng isang Jonas. And those things that he did? That's more than what I've prayed for.

To be kissed by him inside the church with wedding bells, flowers, cheers, claps and love songs is more than what I wished for. Kahit hindi sa amin 'yong kasal pero pakiramdam ko sa oras na 'yon sa amin lang ang mundo. Ganoon ang nakakainis na epekto ni Jonas sa akin.

"Hindi, anak, napuwing lang si dada kanina." Ang sagot ko dito bago ko ito muling subuan.

Sinubuan ko rin si Jaiden na naglilikot lang ang mata sa paligid. Actually, kanina pa natapos ang dinner kaso itong dalawang 'to ay kung saan-saan nagpupunta. Nakipaglaro pa sa ibang mga bata dito. Si Jonas naman ay kinokonsente ang dalawa, hinayaan lang itong maglaro hanggang sila na nga ang kusang lumapit sa akin.

Speaking of Jonas...kani-kanina lang ay nakita ko pa itong nakikipag-usap sa ilang kilalang businessman at socioelites. But I did not see him anywhere right now. Walang bakas ni Jonas kahit saan.

"Someone looks very attractive tonight; I can't help but to say hi." Agad napawi ang paningin ko sa paligid nang harangin ito ng isang malaking bulto ng lalaki. I looked up and saw Jordan- a smoking hot and classy Jordan.

Sobrang gwapo nito sa kanyang suot-suot na itim na suit. Nakabukas pa ang unang tatlong butones ng kanyang inner white long-sleeved polo.

Mahina akong tumawa bago ito kinawayan."Hello, Jordan."

Umupo ito sa katabi kong upuan at kumaway sa dalawa na malugod naman nilang ginantihan.

"Are you having fun?" Ang nakangisi nitong tanong sa akin. Kanina ko lang nalaman na pinsan pala siya ni Susan.

"Yes. Ikaw? Bentang-benta ka kanina ah." Ang natatawa kong sabi. Pinag-agawan kasi siya ng mga babae kanina para magpa-picture sa kanya. Pati sa mga games ay ito ang hinihila ng mga babae. Pati sa dance floor ay maraming gustong makipag-sayaw dito.

"Kaya nga eh, pero kung ikaw bibili pwede mo naman akong i-take out." Doon na ako malakas na natawa, kahit kailan ay hindi ko talaga magawang seryosohin ang isang 'to.

"Baliw!" Ang nakangiting singhal ko dito saka siya mahinang hinampas sa braso. Muli kong hinarap sila Janisse at Jaiden saka sinubuan.

"Sayo." His eyes are twinkling like stars, and I know what that means. I know what that means; because I used to have that same eyes whenever I look at Jonas.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon