16

91.7K 2.6K 1.1K
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

Napabuga ako ng hangin habang inaalalayan si Janisse na bumaba mula sa bangkang nilipatan namin kanina. Tuwang-tuwa ito ng ibaba siya ni Francis sa tubig na hanggang tuhod niya ang lalim.

Manghang-mangha kaming tatlo habang napapalapit kami dito sa isla kanina. Napakalinaw kasi ng tubig kaya kitang-kita mo ang mga isda at corals.

"DADA! KUYA! MAY FISH!" Ang malakas nitong sigaw na nagpatawa sa amin. Hinila nito papalapit sa kanya si Jaiden na nakamasid lang sa paligid para ipakita ang isda.

Napailing nalang ako at umayos na rin para makababa ako mula sa bangka.

"Sir, tulungan ko na po kayo." Ang pag-aalok tulong sa akin ng isang bangkero bago iniabot sa akin ang kanyang kamay para alalayan ako.

"Salamat po." ang pagpapasalamat ko dito bago ko inabot ang kamay niya. Pero hindi pa man ako nakakababa nang may biglang humablot sa kamay ko kaya kamuntikan na akong mahulog mula sa bangka.

"Ako na." Aniya sa pautos na boses. Hindi naka alma si kuyang bangkero ng senyasan siya ni Jonas paalis.

Umiling ako dito at binawi ang kamay ko. "Kaya ko, Jonas. Salamat." Ang mahinahon kong pagtanggi at pumusisyon na para bumaba.

Ayokong tumanggap ng ano mang tulong mula sa kanya at baka masumbatan lang ako. Isa pa, ang mga ganitong galawan niya ang nagiging dahilan kung bakit ako nahihirapan bumitaw sa kasal namin. Dahil sa mga ganito niyang galawan kaya ayaw mamatay-matay ang kaunting pag-asa dito sa puso ko.

"You can do it? Pero tinanggap mo pa rin ang kamay ng lalaking 'yon. Don't flirt with my employees, Denisse." Aniya sa nagbabantang tinig at tinalikuran ako para maglakad papunta sa may buhanginan na pinanggalingan niya kanina.Binalikan niya ang mga tauhang bitbit ang mga gamit namin.

Flirt? When did I flirt with someone? As far as I can remember tinanggap ko lang ang tulong ng bangkero. Is that an act of flirting? Simula ng makausap ko si Jonas sa hospital unti-unti ng nagiging unreasonable ang mga pinagsasasabi at pinaggagawa niya. Hindi ko na makuha ang templa ng lalaking ito.

Pero ano pa bang aasahan ko mula sa kanya?

Hindi ko nalang ito pinatulan at bumaba na ngang mag-isa mula sa bangka. Lalapit na sana ako kela Janisse ng may katawang bumunggo sa akin, kamuntikan pa akong matumba dahil sa lakas ng pagkakabangga niya, mabuti nalang talaga at nakakapit ako sa braso nito. Ramdam kong ipinulupot nito ang isang braso sa katawan ko para supurtahan ako pabalik sa pagtayo.

"Oh my God!" ang tili ko dahil sa kaba. Napasandal pa ako sa dibdib nito dahil sa paraan ng pagkakayakap niya.

"Pasensya ka-" My words were left hanging in the air ng makita ang nakakalulang mukha ng lalaking bumangga sa akin.

Handsome isn't enough adjective to describe him. I'm not even fond of handsome guys, para sa akin wala pang nakakalamang sa kakisigan ni Jonas but this guy right here...iba ang kagwapuhan nito. Iyong kagwapohan na makalaglag panty ayon kay Maricel. Napakaganda rin ng nga mata niya. Halatang may lahi itong foreigner.

"Are you done checking me out?" Parang nanlambot ang tuhod ko sa malalim at mapang-asar nitong tinig.

Ramdam kung nagtipon ang dugo ko sa katawan sa pisngi ko. Hindi ko magawang tingnan siya sa mata because he's right. I just checked him out. I checked out a guy that's not Jonas.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon