14

92.6K 2.8K 1.3K
                                    

Denisse Gonzales

Tumigil ang sasakyan namin sa harap ng isang malaking puting yate na magdadala sa amin papunta sa isla. Naunang bumaba si Jonas at pinagbuksan kami sa backseat. Inalalayan niya si Janisse at Jaiden na bumaba. Ako naman ay binuksan ang pintuan sa side ko at bumaba ng mag-isa.

As much as possible, I don't want to interact with him. I don't want to risk my feelings and emotions to take me over again.

Ibinigay ni Francis ang susi ng sasakyan sa valet at naglakad patungo sa yate karga-karga si Janisse at si Jaiden sa magkabilang braso.

Napangiwi naman ako habang pinapanood sila. Nabibigatan na nga ako kay Janisse paano pa kaya silang dalawa?

"Uncle Francis, are we going to ride the super big boat po?" Tanong ni Janisse dito. "Ikaw po ba may-ari ng boat uncle?"

"Oo naman! I own that boat. Do you want one, baby?" Pagmamalaki nito habang umaakyat sa may hagdanan patungo sa loob ng yate.

Nagmamadali akong lumapit sa kanila at nilagpasan si Jonas na tahimik lang ring nakasunod sa kanilang tatlo.

"Francis? Ibaba mo nalang kaya silang dalawa? Mabibigat na kasi 'yan, nakakahiyan na sayo." Ang nahihiya kong sabi at kukunin na sana si Janisse mula sa kanya ng may humawak sa braso ko at hinila ako papasok sa yate.

"Let him be. Kaya niyang gawin yan." Sabi ni Jonas at dinala ako sa loob ng yate. Halos malula ako sa ganda ng interior design. Halatang mayayaman talaga ang may-ari. White and silver and color scheme sa loob. Nasa gitna ang isang dining table. Sa mga gilid nakalagay ang mga sofa malapit sa glass wall.

"WOW....."  Nilingon ko ang dalawa na manghang-manghang inilibot ang paningin sa loob ng yate.

"Nagustuhan niyo ba? Kapag 18 na kayo I'll give you one." Ang nakangiting sabi ni Francis sa dalawa at hinalikan pa ang pisngi ng mga ito.

I'm happy na maayos ang pagtanggap ng mga kapatid ni Jonas sa mga bata. Isa 'yon sa mga pangarap ko sa kanila, 'yong hindi ko kailangan itago ang tunay nilang pagkatao.

Unfortunately, this won't last long. I don't think na magkikita pa kami 10 years from now. After 2 months we will move away, magpapakalayo sa dating buhay namin dito sa Pilipinas, malayo sa angkan ng mga Juariz. I'll change their surnames to Gonzales. They don't have to be a Juariz anymore. They don't need to be a Juariz.

"Francis, put them down. I'm going to take them to their room." Utos nito kay Francis na nakikipagkulitan sa dalawa. His eyes are very dark as he keeps on staring at the three. He's clearly displeased with what he's looking at. Sobrang talim ng tinging ibinibigau nito sa kanila.

"Ako nalang magh——" Aalma pa sana si Francis ng hindi siya pinatapos ni Jonas sa pagsasalita.

"Ayoko ng pinapaulit ako." Seryosong sabi ni Jonas dito kaya walang nagawa si Francis kung hindi ang ibaba ang dalawa mula sa kanyang mga bisig. "Jaiden. Janisse. Come here."

Nag-aalangang nagtungo sa kanya ang dalawa. Mukhang ayaw pa rin talaga nilang mahiwalay kay Francis. Idagdag pa ang kakaibang ekspresyon ni Jonas kanina kaya parang natakot ang mga bata. Lalong-lalo na si Janisse na parang namumutla at nakahawak sa dibdib niya.

"Anak, okay ka lang ba?" Ang nag-aalalang tanong ko dito.

"Dada, ang heart ko bumibilis na naman." Ang naiiyak na sumbong sa akin ni Janisse. "Natatakot po ako."

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Where stories live. Discover now