29

99.1K 2.8K 945
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

Paika-ika at dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan para sana magluto ng agahan. Hindi naman ganoon kasakit ang buo kong katawan 'yong balakang at pwet ko lang talaga ang masakit. Paggising ko kanina, nakasuot na ako ng malinis na damit at pajama. Malinis na rin ang katawan ko.

Pagdating ko sa kusina hindi ko maiwasang mapasinghap nang makita si Jonas doon. Nakatalikod kasi ito sa akin at walang suot na pang-itaas kaya malaya kong napagmasdan ang malapad at katakam-takam niyang likuran. Tanging boxer shorts at apron lang ang saplot nito sa katawan. Nanatili lang akong nakasandal sa hamba ng pintuan habang nakamasid sa kanyang maskuladong likuran.

"Dada, baka matutunaw po si daddy. Saka natulo rin po saliva ninyo, dada." Napayuko ako sa gilid ko at nakita doon ang isang nakatingala at nakabungisngis na Janisse.

Pinandilatan ko ito ng mata habang kagat ang aking ibabang-labi. Pabiro ko ring kinurot ang kanyang pisnge na ikinanguso nito. "DADDY OH!
NI-PINCH AKO NI DADA PO KASI KINIKILIG P-abshwvshsvs!" hindi ko siya hinayaang tapusin ang kung anong kahihiyan ang sasabihin niya at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig.

Pero huli na ang lahat dahil nakatingin na si Jonas sa direksyon namin. Nakataas ang kanyang kilay habang dinidilaan ang kanyang hintuturo. Napalunok ako at mabilis na inilihis ang paningin mula sa kanya.

Naalala ko na naman kasi ang nangyari sa amin kagabi. Baka bigla na lang skong sumuko ulit dito at magpaubaya sa kanya. Bakit naman kasi ang sarap ni Jonas? Why did he have to be so damn hot and sexy?

"Dada, ang red po ng face niyo po! Are you sick again, dada?" Ang kuryusong tanong ni Janisse sa akin. Nakabinat pa rin ang mga malalambot nitong pisnge.

Napahawak ako sa pisnge ko at umiling. "M-Mainit lang anak."

"Huh? Eh ang cold nga po ng aircon sa house ni daddy po." Ang giit nito and I couldn't do anything but feel helpless with him. Itong batang to talaga.

"Let him be, baby." Ang sabi ng isang mababang boses nang makalapit ito sa amin. Sinalubong ng isang naka-apron na Jonas ang aking paningin.

Kinarga nito si Janisse at pinugpog ng halik ang mukha na ikinahagikhik ng huli. Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa. Tumigil ito sa paghalik kay Janisse at humarap sa akin.

"Good morning," aniya bago yumuko malapit sa mukha ko. Akala ko ay sa noo niya lang ako hahalikan napasinghap na lang ako nang maramdaman ang mga labi niya sa labi ko.

Napahampas ako sa braso nito nang ipasok niya sa bibig ko ang kanyang dila. Jusko! May bata.

"EWWY! KUYA! NAGKIKISS SI DADDY AT DADA! M.U NA SILA! YIEEEEE!" Ang malakas na sigaw ni Janisse. Nakangising lumayo si Jonas sa akin at muling binalingan ang anak naming kinulang yata sa aruga.

"Really, baby?" Ang tanong ni Jonas dito na tinawanan lang ng bubwit.

"HAHAHA! I love you po, daddy. I love you, dada! Kiss ko rin po kayo." Humalik ito sa pisnge at labi ng ama. Inabot rin nito ang leeg ko at hinalikan ako sa labi.

"Sige na, help your dada prepare the table. I'm almost done cooking." Ang sabi ni Jonas bago nito ibinaba si Janisse. Muli itong lumapit sa akin at yumakap sa bewang ko nang nagtatatakbo palayo si Janisse sa amin.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon