Epilogue

80.1K 2.6K 1.2K
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

"Handa na ba kayong sabihin sa amin ang tungkol sa ginawa niyong kalokohan? Janisse? Jaiden?" Ang taas kilay kong tanong sa dalawa.

Noong ipinaalam sa amin ni Jonas ang ginawang kalokohan ng dalawang 'to kamuntikan na akong mahimatay. Paano kung hindi nahimatay ang si Stanford? Paano kung nahuli sila Jonas? Hindi ko magawang isipin ang mga posibilidad.  

Nandito kami ngayon sa dati naming bahay.  Umuwi kami dito isang linggo na ang nakakalipas. Sila daddy, papa at Dean naman ay nanatili muna sa hospital nila Jonas.

"Sorry po, dada."

"Sorry, ma."

Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa dalawa. "Nak, bakit niyo kasi ginawa 'yon? Alam niyo bang pwede kayong mapahamak dahil sa ginawa niyo? Gusto niyo ba talaga akong patayin sa takot!? Sana sinabi niyo sa amin ng tito Chadwick niyo. O kaya sa daddy niyo. Why do you have to do it alone?"

"Dada, sinabi ko kay kuya na sabihin kay daddy pero hindi niya ginawa po." Ang sumbong ni Janisse sa kapatid. Nilingon ito ng kuya niya at inikutan ng mata.

"I forgot to tell dad. And I don't want you get worried, ma. Sabi ni doc bawal kayong mastress. Pati si loloma. Palagi na lang siyang pagod sa pagbabantay sa amin at kay tito," ang paliwanag ni Jaiden. "And I don't trust tito Chadwick. I thought he was just faking it."

Natameme ako sa sagot niya.

"Damn, kid! That hurt!" Napatingin ako sa kapatid ko na kakapasok dito sa sala.

Kuya Chadwick is my half brother. My dad and papa confirmed that. Wala namang masyadony nagbago sa relasyon namin. He will always be my kuya, simula pagkabata. Kay Keanu at Stanford naman wala akong makapang panghihinayang at lungkot sa aking puso. Hindi dahil sa kanila ako nanggaling kailangan ko ng makaramdam ng pagmamahal.

"Kuya, pupunta ka kay Dane?" Ang tanong ko dito nang makalapit siya sa amin.

"Yup, aalis na ako. Ingat kayo dito."
Lumapit ito sa kambal at isa-isang hinila ang mga pisnge nila. "Patay kayo sa daddy niyo. Kita ko hinahanda niya yong sinturon. O siya sige! Kitakits na lang sa ospital kapag namaga yang mga pwet niyo." Ang pananakot pa nito bago natatawang lumabas ng bahay.

Paminsan-minsan ay dito siya umuuwi, minsan naman ay sa bahay namin dati nila papa.

"Ma, I really don't trust him. Did you see how he pinched my cheeks? It's like he's going to rip my skin out of my face. And he's threatening us, ma." Ang maktol nito na tahimik kong ikinatawa.

"He's just teasing you. Stop overreacting, nak," ang komento ko. "Kayong dalawa, alam niyo kung gaano ka seryoso itong ginawa niyo. I understand your reasons and I know that the two of you are smart. Kahit gaano pa kayo katalino, may limitasyon pa rin ang kaya ninyong gawin. Do you understand?"

Sunod-sunod ang ginawa nilang pagtango bilang sagot. "Sorry po, dada. I love you po. Hindi na kami uulit ni kuya po."

Sabay silang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit. Asus, naglalambing. Isa-isa ko silang hinalikan dalawa at niyakap pabalik.
"I'm just glad you guys are fine. Basta wag niyo na itong ulitin pa."

"Janisse, Jaiden, kayo ba ang nag-lagay nitong susi?" Ang narinig kong tanong ng isang malaking boses.

Nilingon ko si Jonas na karga-karga ang anak naming si Devin. Bitbit niya sa kamay ang susi ng sasakyan na may nakasabit lang isang silver na susi.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon