26

94K 2.8K 1K
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

"Huwaw! Ang gwapo-gwapo naman ng mga babies ko. Ang bango-bango pa." Ang natutuwa kong papuri sa dalawa saka sila hinalikan isa-isa.

Sobrang cute nilang tingnan sa suot- suot na suit. Naka-brushed up ang buhok ni Jaiden habang naka-pony tail naman ang kay Janisse. Napataas pa ako ng kilay nang mag-request itong magpalagay ng lip tint na suot ko. Nag-aalala kasi ako at baka maputla akong tingnan mamaya.

"Kayo rin po, dada! Super duper pretty po. Siguro madami po kayong boyfriend dati." Ang komento ni Janisse na ikinatawa ko.

"Asus! Bolero. Saka ikaw ha, saan ka natuto niyang boyfriend- boyfriend na 'yan?" Ang tanong ko dito habang nilalagyan naman sila ngayon ng pabango. Ito 'yong pabangong ibinigay sa akin Jonas a few days ago.

"Kay Elly po, dada. Sabi niya magiging boyfriend daw po niya si kuya, dada. Boy po si Elly, da, pero okay lang naman po 'yon di ba?" Ang kuryuso nitong tanong sa akin.

Nilingon ko si Jaiden na tahimik lang sa tabi at parang naiinis sa sinasabi ng kapatid. Nakakunot kasi ang noo nito at masama ang tingin kay Janisse.

"Wala namang masama kung magmahal ka sa kaparehong kasarian. Pero sa ngayon, 'wag muna kayong mag-focus diyan kasi mga bata pa kayo. Self love and family love lang muna sa ngayon ha? Mag-aral muna kayo ng mabuti and grow up to be the best version of yourselves." Ang paalala ko dito.

I don't mind kung magmamahal ng kapwa nila lalaki ang mga anak ko. Alam kong hindi madali ang daang maaari nilang tahakin at bilang magulang nila at kabilang sa ikatlong kasarian tama lang na alalayan at supurtahan ko sila. I'll do my best to support the two of them like how my parents supported me back then. Alam ko na ngang mahirap ang daan na 'yon, pahihirapan ko pa ba sila?

"And if someone breaks your hearts I'll break their bones until they can't move. You're my sons. They should know better than to break your hearts." Ang sabi ni Jonas nang makalapit ito sa pwesto namin. Nakabukas ang unang dalawang butones ng kanyang white long-sleeved polo at nakasampay ang kanyang suit sa kanyang matipunong braso. Hawak-hawak niya rin sa isang kamay ang isang necktie.

"Kapag sinaktan nila ako, daddy, ipapasuntok ko sila sa inyo ni kuya, uncle Francis at tito Miggy po." Agad akong napangiwi sa sagot ni Janisse kay Jonas. 'Wag namn sanang maging bayolente ang hinaharap nilang dalawa.

"Janisse, Jaiden, ayokong maging bayolente kayong dalawa. Please lang, huwag kayong tumulad sa daddy niyo." Ang mahinahon kong pakiusap sa dalawa. Tumayo ako binigyan ng isang masamang tingin si Jonas.

"Huwag mo ngang turuan maging bayolente ang mga bata, Jonas."

Pero nanatili lang ang blanko nitong ekspresyon sa mukha. Tinawid nito ang distansyang namamagitan sa amin at inilapit sa mukha ko ang mukha niya. Sobrang lapit na nararamdaman ko na ang paglapat ng mainit nitong hininga sa pisngi ko. He covered the remaining gaps between us and kissed my cheeks.

"Hmm..I'm sorry, okay?" Ang malambing nitong bulong sa akin. "Help me tie my tie, hon." Aniya nang makalayo na siya sa akin.

Iniabot nito sa akin ang necktie pero hindi ko ito tinanggap. Tiningnan ko lang ito. Jonas never let me do this for him before. Marunong siyang magtali ng kurbata.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon