4.

86.5K 2.9K 879
                                    

Denisse Gonzales

Nang mapagod ako kakaiyak sa may park, napagdesisyunan kong umuwi na dahil kailangan ko pang maglinis ng bahay. Napatigil pa ako saglit para pagmasdan ang isang pamilya sa may playground. I though I was the only one here. Sana ay hindi nila ako nakita o narinig kanina.

Napangiti ako habang pinapanood silang ginagabayan at tinuturuan ang isang baby girl na maglakad. The moment her mom let go of her waist, excited itong naglakad papunta sa kanyang ama. Nahagip kaagad siya ng kanyang

Pumaibabaw sa kalmadong lugar ang masasaya nilang tawa. I would be lying if I said I wasn't envious. I pictured something like that in my mind noong kasing edad lang nila Janisse ang baby girl. I wished Jonas was the same but my expectations were never met. Everyday our marriage became a disappointment. But my kids are my hope. My kids are the reason why I'm still patiently waiting, trying and believing.

Sa kabila ng mga masasakit na salita at pagtatago niya sa amin ay umaasa pa rin ako na balang araw ay matututonan niya kaming mahalin. Hindi naman siguro ganoon katindi ang galit niya sa amin para hindi kami mangkaroon ng puwang kahit kaunti sa puso niya.

Kaya ko pang maghintay. Kaya ko pang maghintay pero hindi ko alam kung gaano katagal. Unti-unti ng numinipis ang pasensya at pag-asa ko kay Jonas. Kung ganito lang din naman pala ang kumpletong pamilyang kalalakihan ng mga anak ko, mas mabuti pang itigil na namin ito. Kakayanin kong punan ang pagkukulang niya sa kanila.

Tumalikod na ako sa masayang pamilya na nasa palaruan at nagsimulang maglakad pauwi. Tuwing may nakakasalubong akong taga-village ay automatic na napapayuko ako. Bukod sa namamaga pa ang mga mata ko, ayaw ko ring may makausap na taga dito. Hindi ko alam kung anong maaaring isagot sa magiging tanong nila. I don't want to lie. I'm so tired of lying. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko pauwi sa bahay namin.

Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso ako sa kusina para maghugas ng pinaggamit ko sa pagluluto at mga platong ginamit nila kanina sa pagkain. Wala akong ganang kumain kaya uminom nalang ako ng tubig para magkaroon ako ng kaunting enerhiya para ipagpatuloy ang aking paglilinis.

Hindi niya ako pinayagang mag-trabaho o magpatuloy sa pag-aaral dahil kailangan ko dawng alagaan ang mga bata. Hindi na ako umalma dahil gusto ko rin namang matutukan ang pag-aalaga sa kambal. Gusto ko ang ginagawang pagsisilbi sa dalawa kong prinsipe. Matapos kong  madiligan ang mga tanim sa maliit kong garden at malinis ang iba pang parte nitong bahay namin, lupaypay akong napahiga sa malambot at may kalakihang kama namin ni Jonas.

Oo, paminsan-minsan ay magkatabi kaming natutulog sa iisang kwarto  pero ni minsan ay hindi niya ako ginalaw. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa 'yon o dapat ba akong masaktan. Mag-asawa kaming dalawa at normal lang naman siguro kung gagawin namin iyon.

Tuwing gabi, hindi ko maiwasang ikumpara si Jonas sa aircon naman dito sa kwarto. Mas ramdam ko kasi iyong malamig niyang pakikitungo sa akin.

Hindi ko namalayan na sa gitna ng pag-iisip ay nakatulog na pala ako. Magaan ang aking pakiramdam pagkagising ko. I glanced at the fancy round clock hanged at the top of the wall and checked the time. Alas dos na pala.

Bumaba ako saglit para kumain dahil nagwawala na ang aking tiyan. Wala akong agahan at pananghalian. Sinong hindi gugutumin niyan?

"Hmmm...ano bang magandang lutuin?" Ang tanong ko sa sarili habang sinusuri ang mga stocks ko sa ref.

Kinuha ko ang tirang manok sa loob at gumawa ng fried chicken. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako ulit sa kwarto sa taas.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon