18

89.1K 2.7K 905
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

Pagkatapos kong magluto ng agahan namin saglit pa akong tumambay sa harap ng bahay para diligan ang mga bulaklak sa garden ni Jonas. Umalis na kasi si Francis kanina lang kaya wala na akong kau-kausap. Mukhang hindi naman nito pinapabayaan ang mga bulaklak dahil malalago at maganda pa ang kondisyon nito. 

"ANO BANG KULANG SA AKIN, ZAYN?! PUKE?! SUSO?! MATRES?! 'YON BA YONG PROBLEMA HA?! TANGINAMO SABI MO TANGGAP MO AKO KAHIT WALA AKO NUN BUT NOW YOU'RE CHEATING ON ME WITH SOMEONE THAT HAS EVERYTHING I'M INSECURE OF. ANG SAMA MO! ANG SAMA-SAMA MO!"

Napatigil ako sa ginagawang pagdidilig at tiningnan ang lalaking tumigil sa harap ko. Tanging ang garden hedge lang ang namamagitan sa amin. Tumigil sa di kalayuan ang isa pang lalaki at nilingon ang lalaking nasa harapan ko. Mugto ang mga mata nito at pulang-pula ang mukha, napakagulo pa ng may pagkaolandes nitong buhok.

"Migo, let's break up. I'm sorry for cheating on you. Alam naman nating dalawa na walang patutunguhan itong relasyon natin.  I'm not gay! I was just curious." Ang walang pusong sabi nito sa lalaking kaharap ko bago muling naglakad palayo. I couldn't help but feel bad for this guy in front. Nakakaawa itong tiningnan habang nakayuko at nakatutop sa bibig niya.

"Curious?! Curious?! Gago ka! Ano ako experiment mo, ha!? Ang mahal pa ng bayad ko masama lang kita dito tas gaganyanin mo ako?! Pinaniwala mo akong mahal mo ako pero kagaya pa rin naman pala ng mga ex ko." Ang nanggigil nitong iyak at bumunot ng maraming dahon  sa garden hedge ni Jonas. Napanganga ako sa ginawa niya. Patay kami nito.

"A-ay s-sandali lang. 'Wag naman 'yong tanim." Ang alanganin kong saway dito. Mahina lang ang pagkakasabi ko nun dahil umiiyak pa ito. Baka sabihin pa niyang inaaway ko siya.

"UWAAH!! Sorry po!" Ang paumanhin nito bago umiyak ng malakas sa harapan ko. Pulang-pula na ang mukha nito. Dahil sa nararamdamang taranta hindi ko na nagawang itabi ang bitbit na watering can at lumabas sa gate na hanggang bewang ko lang ang taas bitbit iyon.

"Okay ka lang? Gusto mo ng tubig?" Ang tanong ko dito at itinaas ang watering can sa mukha niya.

"Uwaaaaa! Mukha ba akong tanim ha, kuya? Nakakainis ka." Anito at muling pumalahaw ng iyak. Bigla itong lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

"S-sorry."

"Kuya, bakit ganun? Ang hirap maging bakla. Gusto ko lang naman mahalin. Bakit ang malas-malas ko? Binigay ko naman lahat sa kanya eh. Pera, virginity, credit card, cellphone, sapatos at lahat ng gusto niya ibinibigay ko. Sinunod ko lahat ng sinabi niya, kahit ayaw kong lumunok ng tamod nilulunok ko pa rin para sa kanya. Pangit ba ako, kuya? Mas mukha pa nga akong babae kesa doon sa kabit niya. Ang galing-galing ko pang sumubo." Napaawang ang bibig ko sa huling narinig kong sinabi niya. Dahan-dahan ko na lang tinapik ang kanyang likuran para pakalmahin siya.

To be honest, wala akong maisip na advice sa kanya. Para kasing nakikita ko ang sarili ko sa kanya. I was and still am stupidly inlove with Jonas.

"T-tahan ka na. Maybe he's not the right guy for you. Ang gwapo-gwapo mong bata,  you deserve someone better." I told him what I should be telling myself too. That Jonas isn't for me and maybe...I deserve someone better too.

"Hindi na ako bata, kuya. Kaka-18 ko lang kahapon eh. I'm already an adult." Ang sumisigok na sagot nito habang kumakalas mula sa pagkakayakap sa akin.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon