Special Chapter

104K 2.6K 1.2K
                                    

Warning: This is not connected to the current flow of each stories. The characters and their relationship to their respective partners is still the same but this has nothing to do with the original stories. Ay char! Mukhang meron pala. Ay ambot hahaha! Basta ui! Parang AU—Another Universe or Alternate Universe ata meaning nun. HAHAHA! Basta. Ewan. Try try lang to wag na kayong mag-expect.

'Wag po sana kayong mag expect na sa original story ay magkakatuluyan si Austine at Nathan, si Denisse at Jonas, si Axel at Roan o si Piyo at Ian. Wala pa hong kasiguraduhan ang papatunguhan ng mga lovelife nila. Pampalubag loob ko lang ito sa inyo.

Arats! Here we go mah bebes!

-----------------------------------------------------------

Denisse Gonzales

"Denisse, c'mon!" Narinig kong sigaw ni Jonas sa baba. Nandito kasil kami ngayon sa isang resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Jonas. Gusto raw kasi makasama nila mama ang mga anak at apo nila bago sila pumunta ng Canada para sa isang conference.

"Sandali!" Sigaw ko pabalik at patuloy na isinuot ang rash guard ko. Dinampot ko muna sa kama ang  isang puting sumbrero bago lumabas sa aming kwarto. Pagbaba ko sa may sala, sila Austine, Roan, at Piyo ang nadatnan ko.

"Guys? Si Jonas at ang mga bata?" Tanonf ko sa kanila paglapit ko.

"Hi Den, nauna na ang boylet at mga chikitings mo." Sagot sa akin ni Austine.

"May iba pa ba tayong hinihintay?" Tanong ko dito.

"Si Lovely. Hindi pa kasi bumababa." Sagot ni Roan na busy kakatype sa laptop niya.

"Nandito na ako! Sorry guys, pinadede ko pa si baby." Bumaba si Lovely na karga-karga ang anak niyang si Louie. Kahapon lang kami nagkakilala nito pero ang bilis kaagad naming nagkasundo. 

"Okay, lang. Tayo na?" Pag-aaya ko sa kanila.

"Tayo na po! I'm so exciting, Austine!" Ang masiglang sagot ni Piyo habang niyuyuyogyog ang balikat ni Austine.

"Na-typo ka, bakla! Excited 'yon, gaga. Hahaha! Take two please." biro ni Austine dito na ikinasimangot ni Piyo.

"Maligo nalang tayo, Austine. Roan, lika na!"

Itiniklop ni Roan ang kanyang laptop at ipinatong sa coffee table. Ngumite ito sa amin at naginat.

"Let's go. Lovely, pwedeng kumarga kay baby?" Tanong ni Roan dito habang nilalakbay namin ang daan papunta sa infinity pool.

"Sure ka, Roan? Okay lang? Mabigat pa naman ang batang 'to." Alanganing tanong ni Lovely dito.

"Okay lang, gusto ko...gusto ko kasing matuto kong paano humawak ng baby." Ang nahihiyang sagot nito.

"Aysus! Gusto ng matuto kasi naka three points ang jowa. Sana oils pina three points!" kantyaw ni Austine dito na naging dahilan para makatanggap ng isang batok mula kay Lovely.

"Ang brutal mo, bakla! Pero seryoso, girl. Kung gusto mong matuto may experience mother nature naman tayo dito. Den, nasa iyo ang korona." Umakto pa si Austine na naglalagay sa ulo ko ng korona. Hindi ko tuloy maiwasang malakas na mapatawa.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon