19

90.9K 2.6K 965
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

Tahimik lang akong nakamasid sa kambal ko habang nililibot nila ang buong store na puno ng laruan. Kahit sino naman siguro ay matutuwa dito. Paraiso ito sa mga batang kagaya nila Janisse at Jaiden.

Iniwan muna kami ni Jonas dito dahil may pupuntahan daw siya saglit. Hindi na ako nagtanong dahil alam ko namang hindi niya ako sasagutin.

Napangiti ako ng makita ang kislap sa mata ni Jaiden. Kahit minsan ay napaka-mature nito mag-isip at  gumalaw, it doesn't change the fact he's still 7. Bata pa rin ito at kagaya ng isang normal na bata nahuhumaling pa rin ito sa mga laruan. Dahil nga bawal kaming lumabas-labas hindi ko sila gaanong nadadala sa ganitong lugar. Sa online lang kami nakakabili ng mga laruan nila.

Next next month ay birthday na ng dalawa. Pakiramdam ko sobrang bilis ng panahon. Parang kahapon lang ay iyak ako ng iyak dahil sa pinaghalong tuwa at pagod pagkatapos ko silang iluwal. Kahit nanganib ang buhay ko noon habang pinapanganak sila hindi ko 'yon pinagsisihan. Madaling napawi ng maliliit nilang ngiti ang lahat ng pagod at sakit na naramdaman ko habang pinagbubuntis at pinapanganak ko sila.

Hinding-hindi ako mapapagod magsakripisyo para sa kanila. Hindi ako mapapagod na alagaan sila habang-buhay. Kahit minsan nakakafrustrate at nakakastress na rin hindi ko 'yon alintana makita ko lang silang maayos at masaya.

"Nak? Bakit hindi pa kayo namimili? Di ba sabi ng daddy niyo kahit ano?" Ang nagtataka kong tanong sa dalawa dahil puro tingin-tingin lang ang ginagawa nito.

Nakita ko ang pagdadalawang isip ni Janisse habang nakatingin sa isang LEGO kit.

"Eh kasi,dada,ang mahal po ng toys nila." Ang sabi nito sa akin habang kumakamot sa kanyang noo.

Kinuha ko mula sa shelf ang isang LEGO Star Wars Millenium Falcon kit at tiningnan ang presyo nito. Napangiwi ako sa nabasang sampung libo. Anong klaseng laruan ba 'to? Bakit ang mahal naman yata? Sunod kong kinuha ang kanina pa tinitingan ni Jaiden na GLOOMHAVEN. Mahigit pitong libo din ang presyo nito.

Kaya siguro nagdadalawang isip ang dalawa. Hindi sa pagiging kuripot pero tinuruan ko kasi silang maging masinop sa pera. I taught them how to value money, how to spend it wisely at kung paano ito ipunin. Hindi naman kasi kami nagtatae ng pera. Walang kasiguraduhan ang mundo. Bukas o makalawa maaaring mawala sa amin ang perang meron kami ngayon.

"What's the matter here?" Sabay kaming tatlo na napalingon sa pinanggalingan ng malalim na boses.

Nakakunot ang noo ni Jonas habang papalapit sa amin. Ang isang kamay niya ay nakapaloob sa bulsa ng kanyang shorts at ang isa ay nakasampay sa kanyang arm sling. Hindi na rin nito suot ang itim niyang cap.

"Daddy, ang mahal po ng toys nila. 'Wag nalang tayo mag-buy marami namang toys binigay si uncle Francis. Tapos may toys pa kami sa old house natin." Ang sabi ni Janisse dito habang ibinabalik ang laruang hawak-hawak ko sa shelf nito.

Janisse and Jaiden...lahat ng naiipon nilang pera mula sa kanilang baon na isang daan sa isang linggo ay ibinibigay nila sa akin. Sa halip na ipabili ng laruan they would ask me to buy foods and toys for the street children. Bilang isang magulang hindi ka ba mapa-proud na sa ganoong edad ay nakakapag-isip na ng ganoon ang mga anak mo?

"Angel, you don't have to worry about that. What you should worry right now are the the toys you're going to buy."

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon