15

90.5K 2.7K 557
                                    

Denisse Gonzales-Juariz 😁

Nabigla kaming lahat ng kumalabog ang inuupuan ni Jonas. Padabog itong tumayo at naglakad paalis sa amin.

"Kuya, where are you going?"  Takang tanong ni Francis dito.

"I'm going to smoke." Walang lingon-lingong sagot nito. Napahinga ako ng maluwag. Mukhang wala naman itong paki sa nangyari kanina. Mabuti naman.

Matapos naming kumain, tiningnan ni Faye ang kalagayan ni Janisse. Wala naman daw itong problema at baka natakot lang sa inasal ni Jonas kanina.
Umalis na rin ito matapos akong tulungan sa paglilinis ng mga sugat nila dahil aasikasuhan pa raw niya si Jonas.

Inaya naman kami ni Francis ang mga bata na maglaro sa game room nitong yate. Nagpaalam akong lalabas muna para magpahangin. Hinayaan ko silang makipaglaro sa tito nila.

Ramdam na ramdam ko ang maginaw na hangin. Napatingala ako sa langit at hindi maiwasang mamangha. Sobrang dami ng bituin sa langit, ngayon lang ulit ako nakakita ng ganito karaming bituin. Ang huling kita ko nito ay noong nasa bahay pa ako ng mga magulang mo. Nasa may bukid kasi ang bahay namin. Gusto kasi ni papa ang malinis na hangin.

Si papa...miss na miss ko na ang daddy at papa ko. Matagal na rin ng huli kong makita sila at ang mga kapatid ko. Palagi kasing nagkakasagutan si daddy at Jonas pag nagkikita noon kaya dumalang ang pagbisita ko sa kanila. Naiinis rin si Jonas kapag nangingialam si dad sa mga desisyon namin. Naiintindihan ko namang nag-aalala lang si dad para sa amin.Nagagalit si Jonas kapag nakikipag-usap ako kay dad, pinagbibintangan niya kasi akong nagsusumbong kay dad. Isa rin yon sa dahilan ng pag-aaway namin. Pinili ko nalang putulin ang komonekasyon namin nila dad para wala ng gulo.

Pinagsisihan ko 'yon. I want to contact them again pero nahihiya ako sa ginawa ko sa kanila. Hindi ko alam kong mapapatawad pa nila ako.

Pero kahit ganun sinusubaybayan ko pa rin naman ang buhay nila. Nagbabasa at nanonood ako ng mga news patungkol sa kanila. Nakakapagtaka lang na halos mag-iisang buwan ng walang balita tungkol sa pamilya ko.

"Naku, Denisse, mabuti nalang at nakita kita. Patulong naman oh." Napalingon ako sa humihingal pa na si Faye habang nakatukod akong kamay sa railings.

"Okay ka lang? Anong pwede kong itulong sa iyo?" Lumapit ako sa kanya para tulungan siyang makatayo mabutim

"May isang engineer kasing inatake sa puso. I will give the details later pero pwede bang ikaw muna ang maglinis at magpalit ng gauze sa sugat ni Jonas? Please. Please." Ang pagmamakaawa nito. Napangiwi tuloy ako sa request niya. Bakit ako? Eh baka ipagtabuyan lang ako ni Jonas. Saka wala ba itong assistant?

"Naku, Faye, hindi naman ako marunong eh. Bakit hindi na lang si Francis? Oh assistant mo?" Pangangatwiran ko dito. Ayokong lumapit kay Jonas.

"Anong hindi marunong? Ang pulido mo ngang maglinis ng sugat. Sige na please, wala kasi akong assistant na dala dahil supposedly vacation namin ngayon. Baka mas lumala pa ang sugat ni Jonas kapag si Francis ang humawak." Pagmamakaawa niya.

"Ma'am! Ano pong gagawin namin kay Lacson?!" Aligagang dumating ang isang crew dito, problemado ang mukha nito at mababakas ang matinding pag-aalala. Hindi ko tuloy maiwasang makonsensya.

"S-sige na. Ako na ang bahala kay Jonas."Pagsang-ayon ko dito. Masyado ng humaba ang usapan nila at baka mapano pa 'yong inatake.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon