Special Chapter 2

63.7K 2.1K 391
                                    

A month before special chapter 1 happened.

A day in a life of the Gonzales-Juariz family.

Denisse Gonzales-Juariz

"Nak, eat ka na, please? Ano bang problema?" Naluluha kong tinignan ang nine months old na si Devan pero patuloy lang ito sa paglalaro ng laruan niya.

Hindi ko na maintindihan ang batang 'to. Wala namang problema sa mga kakambal niya, napaka-energetic pa nga ng mga 'to sa sala, pero ang batang 'to...

Ang hirap pakainin! Ang dami-daming arte. Mabuti na lang at malakas itong dumede sa akin at sa feeding bottle kaya malusog ang katawan.

Nabalik ako sa diwa ng abutin niya ang mukha gamit ang dalawang kamay. Kahit nahihirapan ay nagawa pa rin niyang ilapit ang kanyang mukha at atakihin ako ng mga halik niya. Ugh! This kid!

Napuno ng halakhak ko ang buong kusina dahil sa walang tigil niyang paghalik sa akin. "Alright! Alright! HAHAHAHA! Stop na, baby."

Nakangisi siyang tumingin sa akin at saka hinampas-hampas ang maliit na lamesa sa kanyang highchair. I tried to feed him again with rice but he tilted his head to the side para ilihis ang kanyang bibig mula sa paparating na kutsara.

I stared at my son helplessly before placing down the spoon back to the small plate. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka naglakad patungo sa kusina. Doon ko iniwan ang pagkain niya bago ko siya binalikan. I unfastened his safety belt from the high chair and picked him up.

"Nay Pia, akyat lang po muna kami saglit," ang pagpapaalam ko kay nay Pia nang mapadaan ako sa kusina.

Si Nay Pia at ang anak niyang si Kaikai ang katu-katulong namin dito sa bahay. Last week rin ay may nadagdag pang dalawang katulong: sila Marc at Gellaine. Hindi na ako kumuha pa ng marami dahil kaya na naman namin ang mga gawain dito. Jonas asked me if I wanted to go back to school pero tumanggi ako. I have five kids now, maliliit pa ang tatlo. Gusto ko munang mag-focus sa kanila. Saka na iyang pag-aaral ko. Kaya pa naman kaming buhayin ni Jonas kaya hindi ko kailangang magmadali. Ang mga bata na ang prayoridad ko ngayon.

Pagdating ko sa kwarto namin ni Jonas agad kong inilapag si Devan sa kama at tumabi dito. I pulled my shirt up, exposing my swollen breasts. Agad na na nuot sa aking katawan ang ginaw na nanggagaling sa aircon.

Kinuha ko mula sa ibabang parte ng kama ang kumot at itinaas iyon sa aming katawan. Tumagilid ako at pinosisyon ang anak ko para madali siyang makadede sa akin.

Habang dumedede siya, nilibang ko naman ang sarili sa pagtingin-tingin sa kwarto namin ni Jonas. From where I'm lying I can perfectly see our huge wedding portrait. Hindi ko pa rin maisawang kiligin kapag nakikita ko si Jonas sa litrato. Sunod namang dumako ang aking paningin sa katabi nitong family portrait. Around it are smaller framed pictures of us and our kids.

The past few months since we move into our new home after our renewal of vows nagpatuloy kami ni Jonas sa pagkilala sa isa't-isa habang magkatulong sa pag-aalaga sa mga anak namin. Jonas changed so much. Minsan iniisip ko na baka hindi si Jonas itong nakikita ko, kausap ko, katabi ko, pero tuwing niyayakap niya ako, I know it's him. Alam kong si Jonas ito, alam kong ito 'yong asawa ko.

Jonas has been seeing a psychologist once every two months. He stopped taking some drugs for his PTSD three months after he brought us home. Minsan nga ay isinama niya ako sa appointment niya. Pero isang beses lang iyon. I realize that, no matter how much we try to be honest and open with each other we still have our own conflicts that we have to fix on our own. Internal conflicts and battles na sarili lang din natin ang solusyon.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon