Chapter 4

1.2K 191 92
                                    

It was such a mess. What happened on the thanksgiving reunion was such a mess. Nang umalis ako ay hindi ko na alam kung ano na ba ang nangyari sa loob. Pero pagbalik namin ni Coenraad ay sinalubong kami ng palakpakan at masasayang pagbati.

My mind is in haywire with distress that I don't know how to react properly to the situation. Sinubukan kong balingan ng tingin si Mom. Iniwas niya lang ang tingin sa akin while Dad, he's giving me a smile with assurance again, but I can't feel the sincerity towards it.

What happened when I was gone?

I tried to find my sister in the midst of the crowd, but I couldn't. Umalis na naman siya nang walang paalam. This is really unfair! She's so unconsiderate! Paano niya nagagawa sa 'kin 'to?

If this is really what she wants, then fine. Simula palang nang umalis siya noon ay sira na ang pamilya namin. Paano pa kaya ngayong bumalik siya at umalis ulit? Sirang-sira na at wala nang pag-asa.

This time, I will not wait for her again. Susubukan kong mamuhay sa aninong mayroon ako kahit na alam kong mahirap at masakit. After all, this is for myself too.

Pagkatapos ng gabing iyon ay bumalik na agad kami sa Laguna kinabukasan dahil sa trabaho na naghihintay sa mga magulang ko. Hindi ko na nagawang makapagpaalam pa kay Coenraad. Akala ko nga ay iyon na ang una't huli naming pagkikita, but I'm wrong.

He visited on my thirteenth birthday and gave me a gift.

"It's a canary bird," he said with a glint of excitement in his almond brown eyes.

Masaya ko namang kinuha iyon sa kanya at pinagmasdan ng may ngiti sa mga labi.

"It's a beautiful creature. I like it!"

"Glad to know that."

Naglakad kami papasok sa loob pero ako ay dumiretso sa kuwarto ko para doon ilagay ang regalo niyang ibon sa akin. Hindi ako makapaniwalang pupuntahan niya ako rito at bibigyan ng ganitong regalo.

Dahan-dahan kong nilapag ang kulungan sa lamesa sa terasa ko. Naupo muna ako saglit para masayang pagmasdan ang ibon. The beauty of the bird enchants. It gives me the feeling of affection and attention. Hindi na ako mag-iisa sa kuwarto na ito, thanks to Coenraad.

"Did you know the symbolism of the canary bird?"

I was taken aback by the sudden voice that filled the room. Gulat akong napatingin kay Coenraad saka siya binigyan ng ngiti.

"Sumunod ka pala." Tumayo ako't inayos ang damit na suot ko.

"Light, joy, sweetness and intelligence. It symbolizes you that's why I chose it as a gift for you."

Naglakad siya sa kaaya-ayang paraan palapit sa puwesto ko habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko magawang makapagsalita sa sinabi niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at sa ibon na lang ulit itinuon ang atensyon.

Naramdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko kaya mas lalo lang akong nailang at kinabahan. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtitig niya sa akin ng may ngiti. I swallowed the bump in my throat and cleared it after to distract him or myself.

"It also symbolizes love and communication just like us. No matter how far you are, I will come for you."

Sinubukan kong tumawa. Nga lang, mas lalong lumabas na nagiging peke lang ako kaya naman ay naramdaman ko ang pag-iinit ng dalawa kong pisngi.

"It's, um... it's, I don't know. It's just there!" I stammered.

Mas lalo ko lang ipinahiya ang sarili ko! Anong ibig kong sabihin doon? Anong it's just there? Ano 'yon? Gosh!

EvanesceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon