Chapter 21

608 29 0
                                    

"We saw you floating in the sea. I saved you. I brought you here. I took care of you. That's it. No more questions."

Napakurap-kurap ako. Nagsisimula pa nga lang akong magtanong tapos tinapos niya naman agad. He just elaborated the summary of what happened to me. What's with this man?

Hinayaan ko na lang siya. Nagpalinga-linga na lang ako sa dinadaanan namin, mapaharapan man o mapalikuran. Para na ngang mababali ang leeg ko. Probinsiyang-probinsiya ang dating ng buong lugar. May ilang tao rin ang napapatingin sa akin kaya nginingitian ko sila bilang pagbati at ganoon din sila sa akin.

"Stop doing that." May halong pagkairita na sabi niya.

Ang suplado niya talaga.

"Ang alin?" inosenteng tanong ko naman.

"That!" He looked at me from head to feet.

"Sorry. Naninibago lang ako. Isang daan o kalsada lang talaga ang meron ang lugar niyo? Tapos ang mga bahay ay nasa gilid lang? Wala bang mga sasakyan dito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang sumusulyap-sulyap sa mukha niya dahil naglalakad pa rin kami. Ang layo naman ata ng bahay nila.

"Oo."

Naghintay ako ng kasunod pero hindi na siya nagsalita ulit. Grabe. Ganyan ba talaga siya? Wala man lang akong makuhang eksplanasyon sa kanya. He's so straightforward. Kahit man lang pahapyaw na pagpapaliwanag ay ibigay na niya sa akin. Binibitin niya naman ako. Sana kuwinento niya na lang sa akin lahat na gusto kong malaman para hindi na ako tanong nang tanong tapos hindi na rin siya sagot nang sagot dahil mukhang naiirita na siya. Pero baka ang kuwento niya ay maging kagaya lang kanina.

Tumahimik na muna ako, nag-iisip ng mga puwede pang itanong sa kanya. Paano ba 'yong tanong na may mga mahahabang sagot? Ewan.

"Malayo pa ba?" tanong ko matapos ang ilang minutong katahimikan.

Wala akong nakuhang sagot. Sabi na kasing huwag ka nang magtanong ng kahit na ano, Aislinn. 'Yan lang ang napapala mo, eh.

Lumiko siya bigla kaya napatigil ako dahil sa gulat. Sinundan ko naman siya ng tingin. Kalaunan ay nabaling sa tindahan ang tingin ko at sa buong hitsura ng kabahayan. Is this it?

I just shrugged it off and followed him inside. Agad nabaling sa akin ang atensyon ng mga taong nasa loob kaya ilang akong napatigil sa kinatatayuan ko. Hinanap agad ng mga mata ko si Icarius and saw that he's drinking a water while looking at me.

"Puon ngunyan, dae na siya maluwas sa harong na ini, Ma," seryosong sabi niya pagkalapag niya ng baso sa lamesa. (Translation: "Mula ngayon, hindi na siya lalabas ng bahay na 'to, Ma,")

"Hadaw man? Balak nga namin siyang ipasyal bukas-" (Translation: "Bakit naman? Balak nga namin siyang ipasyal bukas-")

"Ma, sabi ko dae na siya puwede magluwas." He stormed out. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang galon na hindi ko alam kung ano ang laman. (Translation: "Ma, sabi ko hindi na siya puwedeng lumabas.")

"Aalis muna ako. 'Yong bilin ko, Ma." He quickly gave me a look bago ako lagpasan.

"Ingat, 'nak! Huwag na kayong masyadong magpagabi!"

Now that he's gone, I tried to fight a swell of uneasiness. I learned to mask my emotion before my eyes once again, schooled myself to produce a practiced smile for Icarius' mother and siblings, I think.

It was an awkward moment. Dagdagan pa ng pagbalik din ng ngiti nila sa akin.

"Gutom ka ba, 'nak? Ano gusto mo? Halika, ipagluluto kita." She reached out her arms for me as a sign to go near her.

EvanesceWhere stories live. Discover now