Chapter 32

493 20 0
                                    

Did he just confess that he like me? Did I heard it right? Did he say it right straight to my face? Hindi naman ako namali ng pagkakaintindi, hindi ba? Pero... bakit naman niya iyon sasabihin sa akin? 'Yon ba talaga ang totoong nararamdaman niya? O baka naman kinakaawaan niya ako? He said it just to comfort me again, right? But there's also a probability that he meant it.

I don't know. Icarius is the only reason that confuses me ever since I got here. Palagi niya na lang ginugulo ang isip kong gustong manahimik, pero sa maikling panahon na nandito ako ay nakilala ko naman kahit papaano ang ugali niya. I can tell if he's lying or telling the truth. Besides, wala sa ugali niya ang magsinungaling nang walang sapat na dahilan. It might just complicate things more.

But then again, why would he say such things like that when his girlfriend– I mean, ex-girlfriend is here? Paano kung aksidente niya iyong narinig? Wouldn't I know that she's already planning something to harm me. This is so bothersome. Ilang gabi na akong hindi nakakasagap ng maayos na tulog.

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at napatitig sa may hagdan. I sighed and blinked several times to process my introspection about what happened earlier. Kung hindi lang ako nagyaya na pumasok na sa loob ay baka kung ano rin ang masabi ko. I might end up saying the same thing to him but I highly doubt that I'd do it. May natitira pa naman akong respeto para sa sarili ko. Also, I don't want to stab Van. I don't want my mind to rule over my heart.

Nang makita kong alas singko na ay napagdesisyunan kong bumaba na. Hindi rin naman kasi ako dinalaw ng antok. I stayed up thinking about crazy things again. Hanggang kailan ba ito matatapos? Pakiramdam ko malapit nang bumigay ang katawan ko. Worst it, pati ang puso ko.

"Ma! Pa!"

I looked at the door when someone suddenly barged in. Dinaluhan agad siya ni Mama Encarnacion at Papa Narcissus, samantalang si Icarius ay nakatayo lang din sa tabi ko.

"Liro! Ika na an? Jusko, anak ko!" Yinakap siya ni Mama Encarnacion. Sumunod naman si Papa Narcissus. (Translation: "Liro! Ikaw na ba 'yan? Jusko, anak ko!") 

"Maray ta nakauli ka na ngunyan. Mayo man naging problema sa eskwelahan tapos sa paghali mo? Nuarin ka mabalik duman?" (Translation: "Buti naman ay nakauwi ka na ngayon. Wala namang naging problema sa paaralan at pag-alis mo? Kailan ang balik mo roon?")

Natawa ang tinawag na Liro ni Mama Encarnacion. Hinawakan niya sa balikat si Papa Narcissus. "Pa, easy ka lang. Bisto mo man baga ako. 'Tsaka kadarating ko lang ay mukhang pinapaalis mo na agad ako sa huli mong tanong." (Translation: Pa, easy ka lang. Kilala mo naman ako. 'Tsaka kadarating ko lang ay mukhang pinapaalis mo na agad ako sa huli mong tanong.")

"Naniniguro lang, 'nak." Papa Narcissus also laughed.

"Sino siya?" Napatingin ako kay Icarius. He also looked at me but didn't bother to give me an answer. Iniwan niya na lang ako bigla. Tsk. Ang aga pa kaya para mag-suplado. Isa pa, may hinuha na rin naman ako kung sino siya. Gusto ko lang din makasiguro.

"Kuya!"

Nagyakapan ang dalawa.

"Laki mo na." Ginulo ni Icarius ang buhok ni Liro. "Pero ang tangkad mo ganoon pa rin."

"Nadagdagan kaya ang timbang ko. Nagka-muscle rin ako."

"Saan?" Nagkunwari si Icarius na sinusuri niya ang buong katawan ni Liro para hanapin ang 'muscles' na sinasabi niya.

"Si Kuya talaga!" Sabay kamot si Liro sa ulo niya.

Napangiti ako ng palihim habang pinagmamasdan sila. They're siblings. Pero wala namang nabanggit si Mama Encarnacion tungkol sa kanya. Aasa pa ba ako kay Icarius? Maging ang mga bata ay walang nasabi sa akin tungkol sa isa pa nilang kapatid.

Evanesceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें