Chapter 37

503 17 0
                                    

"Gusto mong sumama sa pangingisda?"

"Talaga?" I stood up from my seat, holding a banana on my hand, because of excitement.

"Kung gusto mo lang naman. Hindi kita pipilitin na lumabas dahil alam kong-"

"Gusto ko!" Kumagat ako sa saging na hawak ko at mabilis na nginuya ito. "I want to do it since it's been a while to see the beauty of nature. Gusto kong makalabas naman, Icarius. Gusto ko."

Tila hindi mawala ang kislap sa mga mata ko dahil sa tanong ni Icarius. It feels like I'm gonna complete the process of being alive once I got a chance to get out again.

Napatawa siya't napailing-iling. "Alright. Dapat maaga kang magising bukas bago pa man sumikat ang araw."

Paulit-ulit akong tumango habang inuubos ang saging na kinakain ko. Kakatapos lang namin kumain ng pananghalian kaya prutas naman ang nilantakan namin bilang dessert.

"Mas magandang makita ang pagsikat ng araw kapag nasa laot na tayo."

"Huwag kang mag-alala. Baka nga mauna pa akong magising sa 'yo."

"Just saying, Aislinn." Tumayo siya't tinalikuran ako kaya lalo lang lumawak ang ngiti sa labi ko, imagining things again.

"Mukhang ang saya mo, 'nak. Ganoon mo ba talaga kagustong lumabas?" si Mama Encarnacion habang nililigpit ang pinagkainan namin.

"Hmm, opo. Ang tagal na rin po kasi, eh. 'Tsaka may tiwala naman po ako kay Icarius."

"Well, then, enjoy it."

My thoughts went crazy that I forgot to help Mama Encarnacion on doing the chores. Buong araw ay nakatunganga lang ako habang iniisip ang mga posibleng mangyayari bukas. Oh, I can't wait.

Don't get me wrong. It's been a while since I got to see the outside world. It's been a while since I felt the warmth of the sun, smelled the gentle breezes and saw the beauty of nature without worrying anything and depriving myself to feel the freedom that I need. Noon ay hindi ganito ka-big deal sa akin ang ganitong mga bagay, pero ngayon ay tila uhaw na uhaw ako na maramdaman ang halaga nito sa pagkatao ko.

Two months left before my birthday and disappearance. Just like that, the past felt like a far world to me that I cannot reach again. Who would've thought that I managed to stay in this place for ten months without them finding me?

May mga ilang tanong pa rin ang naliligaw sa utak ko pero hindi ko na iyon masyadong binibigyan ng pansin ngayon. I just want to focus on being happy and appreciating the simple little things given to me. I also want to clarify my feelings toward Icarius without confusing myself between him and Van.

Van's not here and I don't even know if he's still looking for me, so would it be better kung kay Icarius muna ako magpopokus to lessen the heaviness? Would it be wrong to choose what my heart wants over what my mind needs? Would it be nice to avoid being paranoid and anxious over my past?

Kahit na anong pilit ko sa sarili ko na hindi dumikit sa mga nakaraang pangyayari ay hindi na iyon mababago pa. Ako lang naman kasi ang makakakontrol 'non. Only me can mend the broken heart of my other self since I'm the one who caused too much pain to myself. I lost myself for a long time now so I guess it's time for me to be found again. Hindi ko na ikukulong at pipigilan ang sarili ko.

"Tama ako, 'no?" With my crossed arms and the back of my body leaning against the door, sinalubong ko si Icarius na kakagising lang. "Mas mauuna pa akong magising sa 'yo," pagmamayabang ko pa.

Ang totoo nga niyan ay parang hindi naman ako nakatulog. Nakapikit nga ako pero gising naman ang diwa ko kaya hindi ko namalayan na umaga na pala.

"Kanina ka pa gising?"

EvanesceWhere stories live. Discover now