Chapter 40

886 20 3
                                    

I hesitated, but I ended up sharing everything to him until to the incident on the boat, hindi lang sa kung paano kami nagkakilala ni Van at hindi lang 'yong mga bagay na dapat kong sabihin sa kanya gaya 'nong una kong pag-open up sa kanya. Kung alam ko lang na ganito kagaan sa pakiramdam na mailabas mo ang lahat sa taong alam mong hindi ka wawasakin ay matagal ko na sanang ginawa.

I felt relieve. Mas pinatunayan ko lang sa sarili ko na kaya ko nang pakawalan ang mga alaalang iyon dahil nakaya ko nang mailabas ng buo.

"I'm sorry I wasn't there to help you..." Uminom siya ng beer bago ulit nagpatuloy. "I'm sorry I wasn't there to make you smile and laugh. I'm sorry I wasn't able to save you from falling. I'm sorry I was far from you."

"Icarius, don't be sorry. It's not your fault. Everything is my fault since it's my life. Ginusto ko ang mga naging resulta dahil sa naging desisyon ko kaya wala kang dapat na ika-guilty."

"'Yon na nga ang mas nakaka-guilty pa..." Lumingon siya sa akin. "Ang pinanganak tayo na magkalayo sa isa't isa sa magkaibang mundo."

"Icarius naman..." Napatawa ako. "Nasasabi mo lang ang mga 'yan dahil nakilala mo ako. Paano kung hindi ako dumating sa buhay mo? Paano kung sa ibang lugar o tao ako napunta?"

Hindi siya nakapagsalita. Ininom niya na lang ulit ang beer sa bote. Nang makita kong magbubukas ulit siya ng panibago ay pinigilan ko na.

"Tama na 'yan, Icarius. Baka malasing ka."

I sighed when he didn't listen to me. Tumayo ako't kumuha ng makakain. Ginugutom ako sa usapang ito. Plus, I need to regain my energy back because of swimming earlier. Medyo napagod ako.

"Kailan mo balak na bumalik?"

Saglit akong natigilan.

"Hindi ko alam, Icarius. Bakit ba 'yan palagi ang tinatanong mo sa akin?"

"Bakit? Are you expecting something great in here?"

"Hi-hindi sa ganoon, Icarius. Sa ngayon ay hindi pa sumasagi sa isip ko na bumalik. Hindi ko pa kaya."

"Hindi mo pa kasi sinusubukan."

Bakit pakiramdam ko ay may lihim na sama ng loob itong si Icarius sa akin?

"Darating din ako riyan, Icarius. Kaya hayaan mo muna ako, please. Huwag mo naman akong pagtabuyan."

"Pano naman kaming maiiwan mo kung magtatagal ka pa rito?"

His words striked my heart forcefully. Dahan-dahan akong napahawak sa dibdib ko at mas lalo ko lang naramdaman ang dulot na sakit ng mga sinabi niya. Napapikit ako't napahinga ng malalim. Gosh. He's always cornering me.

"Bibisita naman ako..." I bit my bottom lip when I stuttered. "Magkikita pa naman tayo."

Nagulat ako nang bigla niya akong pinaharap sa kanya. Nabitawan ko rin ang hawak kong plato. Nanginig ang kamay ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko nang magsalubong ang mga mata namin. Mariin niya akong hinawakan sa baywang at hinila palapit sa kanya. My hands immediately landed on his chest as I tried to bend my head away from him. Hindi ko alam ba't bigla na lang din akong tumingkayad.

Hindi ako nakapag-react agad nang bigla niya na lang akong halikan sa mga labi. It was a tender kiss, pero bakit bigla na lang akong natakot?

"Padangaton taka, Aislinn," he whispered when he stopped me from kissing. (Translation: "Mahal na mahal kita, Aislinn.")

Hindi ako nakaimik. Ngayon ko lang narinig ang mga salitang iyon sa isang taon kong pananatili rito. And even though I don't know the meaning of those words, my heart melted as if I was waiting for him to say those.

EvanesceWhere stories live. Discover now