Chapter 26

500 24 0
                                    

"Magkaaway po ba kayo ni Kuya, Ate?" tanong ni Greya habang nagre-repack kami ng star margarine sa kubo nila sa likod-bahay.

"Hmm, hindi naman. Bakit?" Umiwas ako ng tingin sa kanila ni Canus. Inabala ko ang sarili ko sa pagre-repack pero mukhang hindi ako titigilan ng magkapatid.

"Bakit hindi po kayo nagpapansinan?"

Nilagay ko sa palanggana ang na-repack kong star margarine. Kinuha ko ang kutsara at naglagay ulit ng star margarine sa maliit na plastic. Napatingin ako sa pinto nang biglang lumabas si Icarius. Nagkatinginan kami pero mabilis kaming umiwas sa isa't isa.

"Ah, busy lang ang Kuya niyo. Ayoko naman siyang istorbohin."

Hindi nila kailangang malaman ang kung ano mang pinag-awayan namin ni Icarius noong nakaraang linggo. They wouldn't understand as much as I do. Ayaw din sabihin sa kanila ni Mama Encarnacion kaya sino ba naman ako para sabihin iyon sa kanila? Besides, it's not that big deal.

"Ba't ayaw po ni Kuya na kausapin ka kahit na palagi ka naman po niyang tinatanong sa amin?"

"Huh?" Agad akong natigil sa ginagawa ko at napatingin kay Canus nang may pagtataka.

"Kapag po umuuwi siya galing sa trabaho ay tinatanong niya po kami ni Greya kung kumusta ka raw po o kung ano raw po ang ginawa mo buong araw."

"Talaga?" Napatingin ako sa direksiyon ni Icarius. He's feeding the chickens.

"Opo."

Simula nang away namin ni Icarius noong nakaraang linggo tungkol sa pagbabantay ko sa tindahan ay hindi na kami nagkausap pa. I tried many times to talk to him but everytime that I'm near him, umuurong ang tapang ng dila ko. Minsan ay nagkakasalubong ang mga mata namin pero umiiwas agad ang isa sa amin sa kadahilanan na may hindi kami pagkakaintindihan.

Hindi ko alam ba't kay Icarius lang ako nai-intimidate ng ganito. Kapag kaharap ko na siya ay bumabalik lahat ng kahinaan ko. Kapag kausap ko siya ay nauutal ako o hindi nakakapag-isip ng maayos. Ngayon, hindi ko alam kung paano ko maaayos ang maliit na hidwaan namin. If he's Van, it's a lot easier for me to talk to him.

"Ate?"

"H-Huh?" Nabalik ang tingin ko kay Greya at Canus.

"Naghihintay lang po 'yan si Kuya na kausapin mo," si Canus, suot ang makahulugang ngiti.

"Oo nga po, Ate. Baka naman po may something na sainyo ng Kuya ko?"

"Naku, Greya. Hindi sa ganoon. Ano kasi..." Hinanap ulit ng mga mata ko si Icarius pero wala na siya sa puwesto niya kanina. "Hindi lang talaga naging maganda ang simula namin ng Kuya niyo. Ayaw niya sa mga ginagawa ko kaya hinahayaan niya na lang ako. Hindi na lang kami nagpapakialamanan."

Half of it is true naman, hindi ba? But I just don't understand the context of it. Ang babaw naman kung iyon lang talaga ang dahilan niya. 'Tsaka bakit naman ganoon?

Ewan. Palaisipan talaga sa akin ang away namin ni Icarius. In one week, hindi siya nawala sa isip ko. I'm always stressing myself late at night, thinking about him and his complications in life. Dinadamay niya pa ako na may sariling komplikasyon din sa buhay. Sigurado akong alam niya 'yon kaya bakit hindi niya na lang ako intindihin?

"Ah, LQ."

My eyes widened because of Canus' conclusion. "Hindi! Kayo ha? Ang dami niyong alam." Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya.

Napatawa ang dalawa bago nagbulungan. Jusko. Pinagkakaisahan ako ng dalawang ito. Para akong na-hot seat nang wala sa oras. Kahit na ganoon, alam ko naman sa sarili ko na hindi ako magkakagusto kay Icarius. I respect him for being my savior. I mean, kung ano man ang iniisip ng dalawang ito ay pangungunahan ko na sila.

EvanesceWhere stories live. Discover now