Chapter 39

514 19 0
                                    

"Anong meron?"

Napatigil sa kanilang ginagawa sina Mama Encarnacion at Papa Narcissus. Maging ang dalawang bata ay natigilan nang mapatingin sa gawi ko. Nginitian ko na lang sila nang maisara ko na ang pinto ng kuwarto.

Naglakad ako palapit sa dining table at napansin ng mga mata ko ang orasan habang hinahanap ang gustong makita nito, si Icarius. It's seven in the morning. It's still early, but they kind of busy.

"Ano pong meron?" I asked again when I got near to Mama Encarnacion and Papa Narcissus preparing for something to cook.

Kusa ulit na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang magsalubong ang mga mata namin ni Mama Encarnacion. Nagkatinginan din ang mag-asawa na siyang mas lalo kong pinagtaka.

"Ah, anak," bahagyang napatawa si Mama Encarnacion bago nagpatuloy sa ginagawa niyang paghiwa ng mga sangkap. "Maaga pa, ah? Ba't gising ka na agad?"

That didn't answer my question. Mas lalo lang tuloy akong nagduda. Pasimple akong tumingin kay Papa Narcissus pero kusa siyang umiiwas ng tingin, mas binibigyan ng atensyon ang karneng hinihiwa niya.

"Ganito po akong oras nagigising, hindi po ba? Minsan ay mas maaga pa nga o kaya medyo tanghali na. Pero kadalasan po ay ganitong oras kaya... bakit ka po nagtataka, Mama Encarnacion?" Napaisip tuloy ako kung anong araw ngayon at kung ano nga ba ang okasyon.

"Ano po bang meron?" I asked for the third time, hoping that they will give me a direct answer.

"Ay, mas mabuti pang tumulong ka na lang din."

Binigyan ako ng gawain ni Mama Encarnacion kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Hindi ko na lang masyadong binigyang-pansin 'yong duda at pagtataka ko. I guess one of the family member is having a birthday again. Oo nga pala, kay Greya palang na birthday ang alam ko. Hindi ko natatanong si Icarius sa mga ganyang bagay, eh.

Oh! Today is my birthday, too. I almost forgot. But, I don't deserve to have a celebration again. What for? It just reminded me of the pain that I've gone through for the past years. Nakalimutan ko nang ipagbunyi ang kaarawan ko. Nakalimutan ko nang ito ang pinakaimportante sa isang tao dahil ito ang simbolo ng pagkabuhay.

In my case, my birthdate killed me after introducing my life to the world. I experienced how to exist in the shattered world after living once to the wonderful world that I knew.

Sa pagdaan ng bawat taon ay may mga bagay akong napagtanto. I observed and noticed how the other side of the world that I knew works in different perspectives. It suddenly flipped that tormented a lot of people.

Ang gandang inakala ko ay biglang sumingaw ang baho. Ang masayang buhay na inakala ko ay biglang nawalan ng sigla. Ang bumuo sa pagkatao ko ay biglang winasak ang mundong iniingatan ko. Ang lahat na akala kong tama ay bigla na lang naging mali.

"Kuya!"

Agad napaangat ang tingin ko sa dumating. Sinalubong ni Greya si Icarius at may binulong ito sa kanya. Then, Icarius' look was suddenly turned to me. Nagsalubong agad ang mga mata namin. Binigyan niya ako ng ngiti kaya ganoon din ang ginawa ko.

My heart is pounding inside my rib cage. Hindi na naman ako makapag-pokus sa ginagawa ko dahil sa kanya. Kahit na ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko ay walang epekto. Tila bingi na ang puso ko sa kung ano man ang sabihin ng utak ko.

Hindi mapakali ang mga mata ko lalo na nang maramdaman ko ang paglapit ni Icarius sa puwesto ko. I bit my lip and swallowed hard.

Everytime that we're looking to each other or being with each other, it always felt like a first time for me. Kahit na anong gawin ko iba-ibang epekto ang dinadala ni Icarius sa akin that I always considered it as special moments. Is this the power of love? Don't you think that I'm being biased on my feelings to him than to Van? Damn. It's annoying and frustrating.

EvanesceWhere stories live. Discover now