Chapter 23

544 25 0
                                    

"Paano 'yong shop, 'nak?" tanong ni Mama Encarnacion kay Icarius habang kumakain kami ng pananghalian.

"Papa can manage it even without me," he answered solemnly. Sumubo siya ng pagkain gamit ang kamay niya.

"Nagpaalam ka ba sa kanya?"

I started to eat as well, fighting the uneasiness while giving Icarius a look. Minsan ay napapatingin din siya sa akin kaya umiiwas agad ako. Kunware pinaglalaruan ang pagkain o kaya ay bigla na lang susubo o kaya naman ay iinom ng tubig. Well, this is so awkward. I mean, his presence and stares feels so awkward. Para bang hinuhusgahan niya na naman ako sa isip niya.

"I'm sure he'll understand," he paused to give me a quick look before looking at Mama Encarnacion again. "Mas kailangan ako rito."

Ang huling pahayag niya ay parang may ibang kahulugan pero hindi ko na lang iyon masyadong inisip at binigyang pansin. I'm so focused on being careful on my actions while eating. I wonder if he's the one who assisted me on eating? Oh, thinking about it makes me more awkward. Sinusubuan niya ba ako? Siya rin ba ang nagpapaligo sa akin? Nagbibihis? Naglalaba ng mga damit na sinuot ko? Naghuhugas ng puwet ko tuwing tatae?

Nabilaukan ako bigla at nahirapan akong sumagap ng hangin. Inaabot ko sana 'yong basong gamit ko pero biglang lumabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng mga luha sa mata ko. Someone gave me a glass and I immediately drunk the water in it. Nang matauhan na ay nakita ko kung sino ang nasa tabi ko't humahagod sa likod ko.

It's Icarius.

"Aislinn, anak, ayos ka lang? Naku, dahan-dahan lang kasi sa pag-kain, 'nak," si Mama Encarnacion nang hawakan niya rin ako.

"Uhm, okay na po ako."

Mabilis na naalis ang kamay sa likod ko at nakita ko na ulit sa puwesto niya kanina si Icarius.

"Salamat, Icarius." I tried to be friendly to express my gratitude but he just ignored me. Mabilis siyang natapos sa pag-kain. Nilapag niya sa lababo ang pinagkainan niya pagkatapos ay pumasok sa kuwarto.

Natapos na rin kami sa pag-kain. Hindi na ako hinayaan ni Mama Encarnacion na maghugas dahil sa nangyari. Halatang pati siya ay kinabahan. Ano ba naman kasi 'yong mga pinag-iisip mo, Aislinn? It's so out of the situation. Gusto kong malaman pero ayokong magtanong. Baka mas lalo lang akong makaramdam ng ilang at hiya.

"Maghanda ka na lang, 'nak. Pupunta tayo sa kabilang ilog para maligo. Siguradong magugustuhan mo roon dahil sa malinaw at malinis na tubig."

Sinunod ko naman si Mama Encarnacion. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kuwarto nang bigla na lang itong bumukas at bumungad sa harap ko si Icarius. Ilang minuto kaming natuod sa kinatatayuan namin habang nakatitig sa isa't isa, not knowing what we should do next.

"Uhm, akyat lang ako," I stuttered as I pointed the wooden stairs.

Binigyan niya naman ako ng daan. Maliit na espasyo ng daan kaya dahan-dahan akong pumasok at natigil sa may gilid ng pinto. Isinara niya agad ang pinto. Dumikit ang likod ko sa kahoy na pader sa tabi ng pinto dahil sa kamay niyang nakaharang sa may ulo ko. I'm stuck again. I don't know how to converse with him.

"I, uh..." Bahagya akong yumuko para makalusot sana sa may kamay niya pero nauntog ako sa tiyan niya nang bigla na lang ulit siyang humarang sa harap ko. Napatingin agad ako sa kanya at napalayo ng konti since this place has a tight space. Wala na akong maatrasan. I can almost feel the bed near me.

Icarius leaned his back against the door as he stared on me. Hindi na ako nagsalita ulit at hinayaan na lang na magkatitigan kami na parang doon na lang nag-uusap.

"Get ready." He sighed tiredly before opening the door and going out of the room.

Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa kaba. Napapikit ako at ilang beses napabuntong-hininga. Damn, Icarius. Why are you being like this? Balak mo ba akong patayin ulit?

EvanesceWhere stories live. Discover now