Chapter 31

501 20 0
                                    

Kinuha ko ang dustpan at walis na nakalagay sa likod ng pinto ng kusina. Tiniis ko na muna ang sakit nang hawakan ko ang dustpan at walis kaysa naman sa hindi ko ito iligpit.

"Anong nangyari?"

Hindi pa nga ako tapos sa pagwawalis sa bubog ng baso ay pumasok na si Icarius. I just ignored him and acted like I didn't hear and notice him. Pero inagaw niya bigla sa akin ang dustpan at walis. Saglit ko siyang tinitigan bago naglakad paalis.

I jumped when I shut the door forcefully. I didn't mean it. Baka isipin niya galit at nagwawala ako. Eh, sa galit naman talaga ako! Pero hindi ko naman intensyon na ibaling sa pinto ang galit ko. Bakit ba kasi siya pumasok pa siya? Hindi ba't nagsusubuan sila ng babae niya sa labas? Tuwang-tuwa pa nga sa kanila ang mga tao.

I was in the middle of introspection when the reason behind it showed up again. Napatingin ako kay Icarius at nagtagpo agad ang mga mata namin. Nilapag niya muna sa sahig ang dala niyang pagkain bago tuluyang makaakyat sa kuwarto ko. Hindi ko siya pinansin.

"You need to eat."

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin sa kama. Hindi ko pa rin siya inimik. He sighed. Hinawakan niya ang baba ko para iharap ako sa kanya. I met his eyes once again. Tila unti-unti na namang nawawala ang galit ko dahil sa mga matang 'yan. But thinking about that woman, I don't want that look from him anymore. Nadungisan na. Kaya bago niya pa man ako masubuan ay iniwas ko ulit ang mukha ko sa kanya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko habang nakatingin sa maliit na bintana.

"To feed you."

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Ano ako hayop? Kaya kong kumain mag-isa. Umalis ka na at iwan mo na lang 'yan."

His expression shifted. "With that hands?" He looked down my hands. "No." Itinaas niya ulit ang kutsara para isubo sa akin. I looked away again.

Pagkatapos niyang subuan ang iba ay sa akin naman niya isusubo? No way! Kaya kong kumain mag-isa. Titiisin ko na lang ulit ang sakit. Isa pa, what is it with him? Is he showing how concerned he is to me while his woman is here? Hindi ba't cheating din ito?

"Umalis ka na. Baka hinahanap ka na ni Karianna," sabi ko pa.

"Ano?"

Lumiko ang mga mata ko sa kanya without moving my head. Umirap ako pagkatapos. Kailan pa siya naging bingi?

"Iwan mo na 'yan diyan at magsubuan na ulit kayo ni Karianna."

I didn't mean to sound so offensive but that's the right term to describe it. Ayokong maglagay ng kahit na anong filter pagdating sa kanya dahil ganoon din ang ginagawa niya sa akin. I just want to be fair.

"Ano bang sinasabi mo, Aislinn?"

I suddenly feel guilty when fragments of memories with him surfaced on my mind.

"Wala." I shifted my weight to avoid him more.

"Just eat. I'm doing you a favor so just accept it while I'm still being kind."

What did he say? Haharapin ko na sana siya nang bigla na lang siyang napunta sa harap ko hawak pa rin ang plato at kutsara. Pinantay niya sa may bibig ko ang kutsara pero nanatili akong nakatikom. Kalaunan ay 'di rin nakatiis.

"Then, stop doing me favors when I didn't ask for it in the first place. Do not be kind to me if you're just forcing yourself. You know you can always show me your true colors. I don't mind dahil ilang beses ko na naman iyong nasaksihan. Hindi mo na kailangang-"

Namilog ang mga mata ko nang bigla niya na lang isinubo ang kutsara sa bibig ko habang nagsasalita pa rin ako. Napanguya ako at tinitigan siya ng masama.

EvanesceWhere stories live. Discover now