Chapter 38

493 18 0
                                    

Pauwi na kami. Walang nagsasalita sa amin matapos ang insidenteng iyon. Habang nasa bangka ay pasimple lang akong sumusulyap sa kanya, thinking of a way to cut off the guilt that I'm feeling, umiiwas lang kapag nararamdaman kong titingin din siya sa akin.

Saying sorry will never be enough. I need to act accordingly to what I'm feeling towards him. I don't want to lie to him and to myself again. Pero anong magagawa ko kung patuloy na nag-aaway ang puso't isip ko?

"Nandito na tayo."

Ilang beses akong napakurap-kurap. I don't want to get off yet, I wanted to tell him that. I also want to tell him that we need to talk, but I still haven't gathered my thoughts yet. Wala rin akong lakas at tapang para simulan ang usapan.

Nagsalubong ang mga mata namin and it lasted for seconds. Napabuntong-hininga na lang ako bago tumayo. Habang papalapit sa kanya ay palakas din nang palakas ang kabog ng puso ko. Nang makalapit, kagaya kanina ay nilahad niya ang kamay niya sa akin. Nag-alangan pa ako kung tatanggapin ko ba. Nang mapansin niya iyon ay siya na mismo ang humawak sa kamay ko. I didn't got a chance to protest kaya hinayaan ko na lang siya.

"Salamat," tanging nasabi ko nang makatapak na ako sa lupa.

I got no response from him. Tinalikuran niya lang ako para itali 'yong bangka. Tahimik ko naman siyang hinintay habang nag-iisip pa rin ng paraan kung paano ko siya kakausapin ulit tungkol sa nangyari.

It's not that I don't want to do it with him. It's just a kiss, but why is it so hard to give? Utak at katawan ko na mismo ang umaayaw because of my traumatic experiences that causes phobia to my being kahit na gusto naman ng puso ko. I know that he's not the type to do that kind of thing to me. He's Icarius, my savior and protector. Kung may balak siyang ganoon ay matagal niya na sanang ginawa, hindi ba?

What can I do? Kahit na gusto ng puso ko ay hindi pa handa at matanggap ng utak ko. I still need time. I won't rush the process again. Hindi naman ako mawawala ulit, hindi ba? I know to myself that I will never leave this place again–that I will never let go of him.

"I–" I was about to call him nang maunahan ako ng ibang tao.

"Jaimar! Atyan, ano?" (Translation: "Jaimar! Mamaya, ano?")

Napatango si Icarius. "Sige."

Napayuko ako't napanguso. May plano na siya mamaya. Paano ko pa siya makakausap? Paano ko malalaman kung galit, nagtatampo o nasaktan siya sa ginawa ko?

"Ba't ang bagal mo maglakad?"

My eyes widened when he suddenly grabbed my wrist. Nagpatianod naman ako habang nakatingin sa kanya. Bahagya akong nawala pero nang matauhan ay sumabay na lang ako sa paglalakad niya.

I bit my bottom lip because of the awkwardness. Kating-kati na ang dila ko na magsalita. Ilang araw na naman kasi ang titiisin ko kapag hindi ko pa ito naayos ngayon. Alam kong pati siya ay mahihirapan din.

"Uhm, Icarius–"

"Hindi ako galit." He gave me a quick look. "Nasasaktan ako."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Siyempre masakit 'yon. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya ay masasaktan ako kung ang taong mahal ko ay pagtatabuyan ako nang may takot sa puso. Stupid, Aislinn. Bakit kasi hanggang ngayon ay nagpapadala ka pa sa mga bagay na iyon? Hindi mo ba talaga kayang kontrolin?

"Nasasaktan ako na patuloy mo pa ring iniinda ang lahat. It pains me to see you suffer when you want to do something to make yourself happy."

Natigilan ako. My mouth parted a bit, but no words came out. Napalunok na lang ako.

EvanesceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon