Chapter 17

626 20 0
                                    

That's what I did. I stayed with Kasper in this small, woody house in Bagong Silang, Manila for about two months so I can't help but to grew attached to him. He's sweet, gentleman and funny. Maganda siyang kaibigan. I also met his family and some of his cousins and friends. They're all so nice.

"Bakit nga pala nasa ibang bahay ang mga kapatid at magulang mo?" I got curious again while doing the chores. Tumutulong ako para naman kahit papaano ay hindi ako maging pabigat.

"Ah. Gusto ko na kasing bumukod. Alam mo na, naghahanda para sa buhay mag-asawa. Buti na lang dumating ka kaya nasubukan natin kahit papaano ang mamuhay na parang mag-asawa."

"Huwag ka ngang ganyan. Baka totohanin ko na talaga, sige ka."

"Naku! Pabor na pabor 'yan sa 'kin, Binibini!"

"Sira! Wala ka bang nagugustuhan o kaya nililigawan?"

"Noon... pero wala na ngayon kasi nasaktan ako ng sobra. First love ko 'yon, e!"

"May paganyan?"

"Oo! Siya na nga talaga dapat ang aasawahin ko kaya lang nagloko. Pera lang pala habol sa 'kin. May iba na pala siyang kinakasama. Eh, hirap nga rin ako sa paghahanap ng pera."

Naglaho naman agad ang ngiti ko nang umiba ang boses niya. For some reason, ngayon lang ako nakaramdam ng awa sa kanya lalo na nang mapansin ang lungkot sa mga mata niya sa likod ng magagandang ngiti.

"Let's not talk about it. It's all in the past now."

Past. Iyan ang dahilan kaya napadpad ako dito. Living my present moment with it is the worst feeling. How can I move forward when I'm still stuck behind and still trying to fix it?

"Ingles na naman! Tigilan mo nga ako riyan!"

Nabaling ulit ang tingin ko sa kanya at natawa na lang kami.

Araw-araw ganoon ang sistema. Maglilinis at tutunganga lang habang nasa trabaho siya o kahit nandito man. Nagtatrabaho siya bilang kargador at delivery boy kaya palaging maaga umalis at ginagabi ng uwi. Tuwing linggo lang kami nagkikita at nagkakasama ng maayos. Sinubukan kong tulungan siya sa paglaba at paghugas kaya lang palpak kaya hindi niya na ako roon pinagalaw pa. Isang araw nga ay sinubukan ko pang magluto, but I almost set the whole place on fire. He got mad because of what happened pero mabilis niya rin naman akong napatawad. So, sa pagwawalis at pagpupunas lang talaga ako marunong.

Ang bonding namin ay kuwentuhan lang at asaran. Ang gaan at simple ng pamumuhay dito. Ang saya niya ring kasama. That reasons was already enough for me to forget what predicament I'm in. Nawala sa isip ko ang dahilan kung bakit ako tumatakbo at lumalayo. I almost forgot that I'm an heiress. This life that I'm experiencing is far different from my real world but I'm slowly enjoying and accepting it.

Kung puwede lang talaga...

"Kasper..." I called when I finally decided to leave the place. Ayoko siyang madamay at ang lahat ng tao na namumuhay dito kapag dumating ang araw na matunton na naman ako ng mga humahabol sa akin.

"Kailangan ko nang umalis." I almost choke on that because of the bump in my throat.

Ang hirap. Ayoko namang isipin niya na nanatili lang ako rito para magpagaling at magpalamon. But, alright, kasama iyon sa mga rason. It's just that... I couldn't afford to get a deeper connection to such a good person and lose him when the time has come. Mas mabuting ngayon palang ay lalayo na agad ako. I don't want to cause another disarray to one's life.

"Ha? Anong sinasabi mo riyan? Bakit ka naman aalis?" He stopped from what he's doing and focus his look on me.

"Kasi..." I stuttered. I couldn't find the right reason for it. "Kasi, uh, kailangan lang talaga."

EvanesceWhere stories live. Discover now