Epilogue (Part One)

917 22 2
                                    

I love her amusing mind, her strong spirit, her sensitivity and vulnerability, her unconditional love for her family despite her sufferings and her exuberant personality despite her wounded heart. I even love her flaws, mistakes and scars. I didn't knew that I'd be able to embrace her as a whole and let myself be part of her painful world.

When I first saw her, I felt nothing but curiosity. Hindi ko lubos na inakala na mahahalinhinan iyon ng ibang damdamin. Ni hindi ko rin lubos na inisip na magagawa ko siyang iligtas sa araw na iyon.

Now, I'd cry for her. I'd show every side of me just to prove how much I love her - how much I want to build a strong relationship with her that will last. I'd do everything just to bring back her light - just to make her feel the genuine happiness again. I'd learn to wait for her, knowing that the end result will be us.

"Mauli na tulos kita? Jaimar naman! First time ko makaigdi sa Masbate kaya mapasyar lamang kita." (Translation: "Uuwi na agad tayo? Jaimar naman! First time ko makapunta rito sa Masbate kaya mamasyal naman tayo.")

"Iyo an! Kaipo ta man magpahingalo, Jaimar." (Translation: "Oo nga! Kailangan din natin magpahinga, Jaimar.")

"Dawa sarong aldaw sana. Itao mo na ini samo." (Translation: "Kahit isang araw lang. Ibigay mo na 'to sa amin.")

"Pakatapos kaini balik-trabaho na naman kita. Mas mawawaraan kita nin oras tapos tyansa na makapasyar para makapahingalo lamang. Ngunyan sana kita nagkaigwang dakol na oras." (Translation: "Pagkatapos nito ay balik-trabaho na naman tayo. Mas mawawalan tayo ng oras at tyansa na makapamasyal para makapagpahinga lang. Ngayon lang tayo nagkaroon ng maraming oras.")

Kanina pa bukambibig nina Silas at Kipp ang pamamasyal. They want to take this chance as an opportunity to loosen up a bit and I don't want that. Nandito kami sa Masbate para magtrabaho at kumita ng pera, hindi para mamasyal at magsayang ng pera. Ayokong nasasayang ang oras ko sa mga ganyang bagay.

"Jaimar, sige na-"

Bago pa man makapagsalita si Silas ay inunahan ko na siya. "Maghanda na kamo. Ngunyan an hale kan barkong binaklan ta nin ticket." Tumayo ako matapos mag-ayos ng gamit. (Translation: "Maghanda na kayo. Ngayon ang alis ng barkong binilhan natin ng ticket.")

Agad kong narinig ang mga mahihinang bulong nila bilang pagsalungat sa sinabi ko. Hinayaan ko na lang sila. Lumabas na lang ako sa maliit na kuwartong tinutuluyan namin dito sa palengke.

Hindi pa nagtatagal nang lumabas ako ay may nakaagaw agad ng pansin ko. Sinundan ko ang babaeng tumatakbo at nakikisiksik sa dagat ng tao. Dumiretso siya sa barkong sasakyan namin.

"Dawa nuarin talaga an KJ mo, Jaimar,"
salubong ni Silas nang makalabas na rin sila. (Translation: "Kahit kailan talaga ang KJ mo, Jaimar,")

"Dae na kita mangalas, Silas." (Translation: "Huwag na tayong magtaka, Silas.")

Binigyan ko agad sila ng tingin na siyang ikinatigil naman nila.

"Saro pang reklamo, babayaan ko kamo igdi." Tinalikuran ko sila't agad nang naglakad papunta sa barko. Tss. (Translation: "Isa pang reklamo, iiwan ko kayo rito.")

Simula nang dumating kami rito ay isang bag na pagtitimpi ang sinigurado kong dalhin. They are always like this, but I never see myself getting used to their attitude. Masyadong malakas ang puwersa ng mga bibig nila na kahit sa iba-ibang oras at sitwasyon ay iba-iba rin ang ibinibigay nila na lebel ng inis sa akin.

I was born in Manila. Mas nasanay ako sa salitang Tagalog kahit na ilang taon lang kami nanatili roon. Mas nagtagal at namalagi kami sa Cam. Sur. I knew them since then. I was six years old, and they're four years older than me, but they look like a few years younger than me. They're aging backwards.

EvanesceWhere stories live. Discover now