Chapter 15

690 50 5
                                    

Sa loob ng isang taon ay hindi ako lumabas sa kuwarto. Lalabas lang kapag kakain na. Minsan ay nalilipasan ako ng gutom nang hindi ko namamalayan. I just want to be alone. I don't want to be disturb ever again but having parents like them will not give me the freedom that I needed.

"Your teacher is here," sabi ni Mom pagkabukas palang ng pinto ng kuwarto ko.

Mom chose to home schooled me since that day. Ayoko na sanang pumasok pa o kahit mag-aral dahil nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay pero pinilit pa rin nila ako. Pinili ko na lang na sa kuwarto ko lang ako magpapa-tutor. Pumayag naman sila.

"Good morning, Aislinn. Puwede na ba akong magsimula ulit?"

Binigyan ko naman ng malungkot at pagod na ngiti si Ma'am Veronica gaya ng palagi kong ginagawa.

Everyday is always like this. Even weekends Ma'am Veronica is still teaching me. Wala na akong pahinga pero mabuti na rin iyon para ma-divert ko ang sarili ko sa sakit at lungkot. But during at night, it's always eating me up inside. Hindi ko mapigilang umiyak kapag gabi kaya palagi akong hindi nakakatulog.

Isang araw, bigla na lang akong nahimatay dahil sa kahinaan ng katawan. Pinayuhan ako ng doktor na matulog lagi ng maaga at kumain ng tama sa oras dahil nag-low blood daw ako.

"Get a hold of yourself, Aislinn! Hindi habang-buhay ay magiging ganito ka!"

Mom was furious when she found out about it. Inutusan niya ang mga katulong na palagi akong i-check at dalhan ng pagkain sa kuwarto.

"Miss, kumain na po kayo. Baka po sisantehin kami," nanginginig na sabi ng isang katulong na naghatid ng pananghalian sa akin.

"Kakainin ko na lang po 'yan. Makakaalis na po kayo."

That was what I always told to them pero kapag babalik na sila ng hapon para kunin ang pinagkainan ko ay natataranta sila dahil hindi ko man lang nagalaw ang pagkain. Pinipilit nila akong kumain hanggang sa isang araw ay sumabog na lang ako.

"I don't want to eat! Ano ba ang hindi ninyo makuha roon?!" Itinapon ko pa sa sahig ang tray na may lamang mga pagkain.

"Pasensiya na po, Miss." Agad nilang niligpit ang kalat at lumabas na.

Hindi pa nagtatagal ay bumukas na naman ang pinto.

"Anong nangyari?! Talaga bang magmamatigas ka?!" Galit na lumapit sa akin si Mom at binigyan ako ng malakas na sampal. "Wake up, Aislinn! Stop being like this!"

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang pagalitan ako araw-araw. Tulala lang ako sa hangin at hindi ipinapasok sa isip ang mga sinasabi niya. I don't care, anyway. Hinihintay ko na lang talaga na mamatay na ako.

"Coenraad's here. Papapuntahin ko na lang siya rito," malamig na palaging sinasabi ni Mom pagkatapos akong tutor-an.

Ever since that day, hindi ko pa nagawang harapin ulit si Rad kahit na araw-araw niya na akong pinupuntahan. Hindi ko na siya kayang harapin pa kaya kapag nandito siya ay kumukulong ako sa banyo o sa walk in closet ko hanggang sa umalis na lang siya.

He tried to ask for my forgiveness but I didn't gave it to him. He doesn't deserve it. Kahit na binalita niya sa akin na nakalabas na si Van sa kulungan matapos ang isang buwan.

"Van!" Hindi ko maiwasang mapaiyak na naman nang bigla akong tawagan ni Van.

"Aislinn, how are you? Sinasaktan ka pa ba ng gagong iyon? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita!"

Lalong napunit ang puso ko. Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tainga ko para hindi niya marinig ang mahihinang hikbi ko. Nang makabawi ay sinagot ko agad siya.

EvanesceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon