Chapter 28

512 22 0
                                    

"Dahan-dahan. Humawak ka sa akin," Icarius assured me. Humawak naman agad ako sa matipunong braso niya and I felt how his muscles tensed.

"Ako na niyan." Inabot niya ang basket na hawak ko. Bumaba ang pagkakahawak ko sa may palapulsohan niya nang ibinigay ko na ang basket sa kanya. Buti na lang. Kanina pa ako nahihirapan dito, eh.

"Salamat," tanging nasabi ko bago kami nagpatuloy sa pag-akyat sa bundok.

Oo, nasa bundok kami kung nasaan pa ang isang bahay nila. Bihira na lang daw kasi sila makapunta rito simula nang dumating ako. They want to visit the poultry and collect the money from the rent of the wifi. Mama Encarnacion told me that she wanted to take a rest here. Balak din nilang mag-picnic mamaya paglubog ng araw.

"Sandali lang," sabi ko kay Icarius nang malapit na sana kami sa patag na tuktok. Medyo hiningal ako dahil sa pag-akyat. Pakiramdam ko any moment now ay bigla na lang akong matutumba. Nakita ko kasi kanina sa baba ang taas ng bundok. Nakakalula at nakakatakot.

"Sa taas na lang tayo magpahinga."

Mayamaya lang ay napatango na lang ako kay Icarius bilang pagsang-ayon. Malapit na rin kasi. Ilang lakad na lang tapos ngayon pa ako umarte.

Nang makarating na kami sa taas ay medyo nawala na 'yong takot ko. Slowly, I removed my hand on holding his. Nakita ko kasi na may iilang tao ang nandito rin, hawak ang kani-kanilang gadgets. Natuon bigla ang atensyon ko kila Greya at Canus na tumatakbo palapit sa amin.

"Sabi ko baga saindo dae magdalagan pag yaon kita igdi," Icarius' voice thundered. (Translation: "Sabi ko sainyo ay huwag kayong tumakbo kapag nandito tayo.")

"Halika, Ate! Sisikat na po 'yong araw!" Hindi pinansin ni Greya ang Kuya niya. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa kabilang dulo ng bundok. Nauna naman sa amin si Canus sa paglalakad na hindi rin pinapansin ang Kuya niya.

Pasimple akong napatingin sa puwesto niya't nakita ko ang pag-iling niya bago naglakad papunta sa bahay. Binalik ko na lang ulit ang pansin ko kila Greya at Canus.

Medyo madilim pa simula nang tumulak kami papunta rito. Hindi ko inakala na pagdating agad dito ay maaabutan namin ang pagsikat ng araw. Napangiti ako nang pinagmasdan namin ang unti-unting pagsikat ng araw hanggang sa tuluyan kaming masakop ng sinag nito.

I sighed. Thinking about the days that I'm still with them, I couldn't help but to feel sad and bitter. Hindi ko inakalang mas magugustuhan ko ang ganitong pamilya at pamumuhay.

As we watch the sun rise, I'm thankful enough that another day came for me. Akala ko ay ganoon na lang matatapos ang lahat. 'Yong insidente sa barko. Akala ko hindi na ako mabibigyan pa ng pagkakataon na ayusin ang buhay ko. It's all because of Icarius. Utang ko sa kanya ang buhay ko na kahit kailan man ay hinding-hindi mababayaran ng kahit na ano.

Alam ko sa sarili ko na mas gugustuhin ko ngang mamatay na lang noon pero nang makita at maramdaman ko ang kamatayan, bigla kong pinagsisihan ang lahat. The eagerness to live suddenly slapped me hard. Funny, I know. I'm a woman with no words and affirmation. I did it just because my life has been hard to me. Now that I saw the outside world, I feel like I'm the most selfish and foolish rich woman.

I mean, how can I do that when there's someone out there suffering from the life that they have and wishing to be someone like me? Well, not all people are happy when they're rich and have a complete family. There's always another way around, aminin man natin o hindi.

"Anong nararamdaman mo?" I almost jumped when Icarius suddenly came.

Napatingin ako sa kanya. "Ano ba dapat ang maramdaman ko?"

EvanesceWhere stories live. Discover now