Chapter 16

638 35 3
                                    

"Hello?" My lips trembled.

Inalis ko ang hood na suot ko at inayos ang basang buhok dahil sa ulan. May nakita akong lumang phone booth kaya humulog ako ng barya para makatawag sa ibang kapamilya ko, hoping that I could also get a help from them. Mas mabuti nang ganito kaysa sa sarili kong cellphone ang gamitin.

"Who's this?" I heard a baritone voice from the other line.

I looked at the small notebook again to see if she's really my Aunt Calli. She's the first person that came into my mind because I remember how my Mom was close to her. Maybe, just maybe, she'll help me without letting my family know.

Hindi ako sanay sa buhay na ganito. Isang linggo palang simula nang umalis ako sa bahay ay hindi ko na nakayanan. All my life, I lived in comfort with the needs and wants that was given to me. Ang bigla na lang iyong bitawan dahil sa padalos-dalos na desisyon ko ay nakakabigla at nakakapangsisi.

"Nandiyan po ba si Tita Calli? Si Aislinn po ito..."

The line went silent for minutes. Akala ko naputol na ang linya o kaya binabaan na ako ng kung sino man ang sumagot.

"Aislinn?"

I sighed as a relief and closed my eyes before talking again. "Uhm, gusto ko po sanang humingi ng tulong sa 'yo..."

"What kind of help? I heard that you ran away from your home."

"Uh, I-"

"Wala akong maitutulong sa 'yo, Aislinn. Pasensiya na. I suggest that you need to go home because your parents are worried sick."

Namuo na naman ang luha sa mga mata ko. Napakagat-labi ako. "Ayoko na muna pong umuwi sa ngayon. I... I can't take it anymore there..."

My tears fell from my eyes as I bowed my head down. Agad ko iyong pinalis at suminghot. Ilang beses akong lumunok para maalis ang nararamdaman kong ito. This is not good. How long am I going to suffer like this?

"Aislinn..." I can feel the pity in her voice. "Hindi naman kailangang umabot sa ganito. Kung ano man ang nakakapagpabigat sa loob mo, I can help you with that. I'll try it. All you need to do is go home. Nasaan ka? Pupuntahan ka agad-"

Wala akong nagawa kundi ang ibaba na lang ang tawag. Napapikit ako habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. I can also feel the emptiness and pain in my stomach. Sa loob ng ilang linggo ay wala akong matinong nakain kahit na maubos ang pera na meron ako ay hindi pa rin sapat. Like what I said, I'm not used to this kind of living. Namuhay ako ng marangya at ni minsan, hindi ko inisip na magiging ganito ang buhay ko. Isa pa, mag-isa lang ako. I don't have someone that I can depend to.

I dialed again. Tinawagan ko naman ngayon si Uncle Jud. Ilang beses nag-ring pero walang sumasagot. Sinubukan ko ulit pero wala talaga.

I sighed when I saw the number of Uncle Caspian.

"You should be careful of them..."

Bigla na lang bumalik sa utak ko ang sinabi ni Mommy. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang mensaheng nakapaloob doon. Based from what I remember, he seem nice and he's my Dad's sibling so why would I be scared of him or even of his girlfriend?

Disappointed from the second call, nabuhayan naman agad ako nang sinagot ni Tito Caspian ang tawag. Kahit na duda at takot ay susunggaban ko na ito.

"Tito..." I stammered.

"Tito? Sino ito?"

"This is Aislinn. Please, help me. Don't tell my parents that I call you."

Napapikit ako at napatampal sa noo dahil sa pagiging desperada ko.

EvanesceWhere stories live. Discover now