Chapter 27

491 19 3
                                    

We decided to do the talking in their backyard. Hindi pa nagtatagal simula nang maupo kami, kapansin-pansin na agad ang nag-aagaw kulay ng papalubog na araw. May ilang bangkang nasa ilog pa at may mga tao akong naaaninag sa hanging bridge. Abot din dito sa may puwesto namin ang ingay ng bawat alagang hayop sa kabahayan at ang ilang tawanan ng mga tao, simbolo na nagkakatuwaan sila, samantalang ako ay para nang aatakihin sa puso't hindi na makahinga. Pakiramdam ko naririnig at napapansin ni Icarius ang lahat ng galaw ko kaya mahirap na kung magkakamali na naman ako.

"Hindi ka man lang ba sumubok na kausapin ako?" he asked, coldly, reason for my heart to thunder. Bahagya rin akong napaayos ng upo.

"Uh, minsan. Pero hinahayaan na lang kita kasi baka mas lalo kang magalit. At... hindi ko naman alam kung paano simulan ang pakikipag-usap sa 'yo tungkol... 'don sa... hindi natin pagkakaunawaan." Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya at napapikit ng mariin. Did I said it right?

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga na parang hindi na naman sinasang-ayunan ang pahayag ko. Ano ba kasing problema niya? Based from what I remember, I did nothing wrong. Baka naman siya talaga ang may problema tapos sinasali niya ako.

"All right. I'm sorry I overreact."

Sa paglingon ko sa kanya para matingnan ko ang reaksiyon niya ay agad nagkasalubong ang mga mata namin. Napatitig ako sandali bago ulit umiwas. I even fake a cough just to lessen the awkwardness and tension that's rising between us or it's just me?

At ano raw? I'm sorry I overreact? 'Yon lang? 'Yon lang ang dahilan ng isang linggong away at hindi pagpapansinan? Seriously? Well...

"Sorry din. Uh, sa mga nasabi ko. Tingin ko nadala rin ako ng pagka-overreacting mo. Kaya... pasensiya na. I didn't control my mouth that time."

Hindi ko alam kung may sense ba ang mga sinasabi ko. Baka naman sobra ko nang nadedepensahan ang sarili ko. Well, that's the truth. Ayoko namang magmukha akong masama. 'Tsaka hindi ko naman talaga kasalanan ang nangyari. I did it because of his unreasonable attitude at dahil lang sa pag-overreact niya.

"Hindi, ako dapat ang humingi ng tawad sa 'yo. I've been rude and mean to you. Hindi ko naman 'yon sinasadya... I'm sorry for that too."

Napangiti ako't napayuko habang ginagalaw ko ang mga paa ko na parang nakatampisaw sa swimming pool. Ibinalik ko lang naman agad ang tingin ko sa harapan. So, that's the main reason. Pero wala pa rin sa mga sinabi niya ang sagot na gusto kong makuha. 'Yong pinakaugat ng rason niya.

"Oo, ang suplado mo nga," I said. "Pero bakit?" I looked at him and saw a ghost of smile from the side of his lips.

"No reason, sorry." He smoothly tilted his head in a lazy manner to glance at me as well.

"Ang komplikado mo pala talagang tao."

No reason daw! Of course, there should be a reason even though it's not that big deal or important. 'Yon ang gusto kong makuha pero mukhang wala naman siyang balak na ipaalam pa sa akin. At least, I'd be able to take a glimpse at his being sana. Kung anong klaseng pag-uugali ang meron siya, para naman kahit papaano ay maintindihan ko at magamay ko dahil mukhang matatagalan pa talaga ako rito. Kahit kasi anong pilit ko sa sarili ko ay wala talaga akong makuhang sagot sa mga tanong ko tungkol sa kanya.

"Says who?"

"Huh?" Napalingon ako sa kanya.

He chuckled. "Nahiya naman ako sa pagiging simple ng buhay mo."

My eyes narrowed. "Are you insulting me?"

"Uh-huh."

Aba! Mukhang lumalabas na rin ang pagiging mayabang niya. Mayabang at suplado is not a good combination of attitude. Himala siguro na may nakakatagal pa sa pag-uugali nito. Bilib na talaga ako sa kakayahan niya.

EvanesceWhere stories live. Discover now