Epilogue (Part Two)

1.1K 30 7
                                    

Every fight and emotional moment with her became part of my world. Sinubukan kong hanapan ng sagot at rason sa kung bakit basta-basta na lang akong nagagalit at naiinis sa kanya pero wala akong mahanap. It's unexplainable. So, I just thought of it as another part of that emotion that I want to resist, but it became more irresistible when Karianna and Liro came.

"Karianna, matagal na tayong tapos kaya bakit ka pa pumunta rito?"

"I want us back, Icarius. Please, hear me out," she begged.

"Hindi na mangyayari ang gusto mo kaya pasensiya na."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Please, Icarius. I was wrong. I realized that my love for you was stronger compared to my dream career."

"And you realized that just now? After a year?" Kinalas ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Ilang beses akong sumubok at nagmakaawa, Karianna, pero hindi mo na ako pinagbigyan."

"I'm sorry..." Napayuko siya.

"Huwag mo nang guluhin ang buhay ko, Karianna. Ipagpatuloy mo na lang kung ano man ang nasimulan mo roon."

"But, I love you, Icarius!"

"I'm sorry I don't feel the same way anymore. Huwag ka nang manatili rito. Umuwi ka na sainyo ngayon din." Ayokong madungisan ang isip ng taong mahal ko.

Aalis na sana ako nang magsalita ulit siya.

"May iba ka na ba, Icarius?" Napasinghot siya. Nakita ko rin ang mabilis na paglandas ng luha sa pisngi niya.

"Paano kung sabihin ko sa 'yong meron na?"

"Huwag."

"Then, leave."

"No, Icarius. I know you still love me. Please, don't be like this. Let me fix our relationship, please. Please, Icarius..."

Hindi ko inasahan na luluhod siya sa harap ko. Hinawakan ko agad siya sa dalawang balikat at pinatayo pero nagmatigas siya.

"Karianna, tama na. Don't go too far like this. There's no hope in us anymore."

Napailing-iling siya. "I love you, Icarius. Hindi iyon kailanman nawala..."

Napatayo ako. I sighed heavily as I closed my eyes. Alam kong hindi na naman siya makikinig sa akin.

"Don't make me repeat it, Karianna. Mas masasaktan ka lang. Kung magmamatigas ka kagaya ng dati, hindi kita pipigilan. Do as you want, but don't expect that I'll be good to you after this."

Tinalikuran ko siya. Nang nasa may pinto na ako ay naramdaman ko siyang sumunod.

I thought my words are clear, but she keeps on coming back to our house that it annoys me more. Naging rason pa iyon ng panibagong away namin ni Aislinn kahit na hindi namin diretsong ipaalam sa isa't isa.

"Kuya! Siya na ba? Sayang! Type ko pa naman!" si Liro sabay akbay sa akin.

I gave him a quick glare. Inis kong inalis sa balikat ko ang kamay niya at walang pag-aalinlangang tinalikuran siya.

Damn! Why is everyone keeps on talking about her?

"Lyndon!"

I despises that name a lot; and I hate myself for not being able to protect her when I needed to. Dahil sa kanya, bumalik si Aislinn sa madilim na mundo. It's like he activated the trauma and phobia of her to make it more worst. Mas masakit na ngayon na makita siyang bumalik sa kalagayan na ganoon. Hindi ko inisip na iiyak ulit ako dahil sa isang babae. That proves me more that my heart became soft again.

Pinagsisisihan ko na hindi ko tinuluyan ang gagong iyon nang gabing iyon. Hindi ko na sana pinakita pa sa kanya ang araw. Fuck, Lyndon! I will make sure that you will rot in hell.

EvanesceWhere stories live. Discover now