Chapter 6

1K 172 25
                                    

"God! The Hilliers ruined the party so I don't have a choice but to call it off! That old man!"

Gulat akong napatingin kay Mom at sa malakas na pagkalampag ng pinto. Kakatapos palang naming mag-usap ni Van via phone and now, this? Don't I deserve to breath some fresh air with a peaceful mind and environment?

Itinapon niya sa sofa ang pouch na dala niya saka kinuha ang walang laman na glass wine sa side table at sinalinan agad ito ng alak. She's fuming with anger and she's trying to ease it by drinking wine. Tahimik ko naman siyang pinagmasdan habang umiinom subalit hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga na lang dala ng kabigatan ng dibdib. Napayuko ako ng ilang segundo bago naisipang tumayo at unti-unting lumapit sa kanya. I stopped when she started to talk again.

"How dare he! Saan nanggaling ang lakas ng loob niyang kalabanin ako? Tingnan na lang natin kung sino ang gagapang papunta sa kapatawaran. I will make sure that he will pay for what he did to us." Ramdam ko pa ang gigil at diin sa mga salitang sinabi niya dala ng galit.

I bit my lower lip to prevent myself from talking to voice out my opinion about this matter. Kaya lang ay hindi ko na yata kayang maging tahimik lang lalo na't tungkol ito sa akin at sa future ko.

She sipped on her wine while I am gaining my strength and courage to talk to her. I just hope that this could not lead us to any form of misunderstanding again. I'm tired of having conflicts with her when I just want her affection. Pinipilit ko na lang ang sarili ko na umintindi kahit na wala talaga akong kaalam-alam.

"Totoo po ba ang narinig ko kanina?"

She looked at me, composedly. Far from what I witnessed earlier. She's now collected again in just a span of minutes which I admire from her. Paano niya kaya nagagawa iyon?

"You have nothing to do with it so stay out of it. Just be a good daughter with a good ethics just like what you always do. That's your purpose here."

Every words from her is like a bullet that strike my heart forcefully and redundantly. It made me realize that her mind is focused and fixed on business no matter how hard I try to see it in a different and good way. Bakit kailangan niyang maging ganito? Hindi ba siya napapagod? Huwag niya namang ipamukha sa akin na iyon lang talaga ang halaga ko sa buhay na meron ako ngayon.

Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti. "I'm the one who's involved kaya dapat lang po na makialam ako. Isa pa, naging mabuti naman po akong anak, hindi ba? Ang gusto ko lang pong malaman ay kung totoo po ba iyon at bakit. Huwag mo naman pong ipakita sa akin na wala na talaga akong kontrol sa sarili kong buhay lalo na po sa mga desisyon ko dahil sobra-sobra mo na po iyong pinaparamdam sa akin."

Parang mas lalo yatang bumigat ang nararamdaman ko nang sabihin ko iyon sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko ba iyon nahugot. But on the contrary, nakaramdam ako ng ginhawa nang mailabas ko iyon.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya habang unti-unting gumuhit ang isang manghang ngisi sa kanyang mga labi.

"Paano mo nasabi na naging mabuti ka ngang anak? Tapos ano ito, pinapamukha mo sa 'kin na masama akong ina? Ito ba ang gawain ng isang mabuting anak?" Her voice is full of sarcasm as she put an emphasis on the word 'mabuti'.

Sabi ko na nga ba at iba na naman ang naging dating ng mga salita ko sa kanya.

"Ang ibig ko pong sabihin ay kung magdedesisyon man po kayo para sa akin ay tanungin niyo naman po ang magiging opinyon ko."

"I'm the mother and I will decide on what I want for you. I don't need your opinions here, Aislinn, kaya kung saan man nanggagaling iyang mga pinagsasabi mo, cut it out already."

"Malaki na po ako-" she cut me off before I could even finish what I needed to say to her.

"That doesn't change the fact that I am still your Mom. At this age, you're still too young to understand some things when it comes to business."

EvanesceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang