Chapter 36

508 21 0
                                    

Van and Icarius have some similarities, but they are not the same. Van's personality will always be as bright as the day, but Icarius' brightness gave way to the darkness. I love Van and I like Icarius for taking responsibilites of me.

Takot ako sa nararamdaman ko na unti-unting nababago ni Icarius. Takot akong malamangan ni Icarius ang importansya ni Van sa akin. Takot akong mapalitan ni Icarius ang matatag na pader ng pagmamahal ko kay Van, mapapuso man o isip.

Ngayon, ang takot kong iyon ay may resulta na. I can't let go of Van. That's what I always thought to remind myself of the boundaries I have. But the fact that he's no longer in my heart, terrifies and breaks my conscience. Pakiramdam ko malaking pagkakamali na naman ito. Pero hanggang kailan ko pa ba pipigilan ang sarili ko? Hanggang kailan ko pa ba titimbangin ang halaga ng puso sa isip ko? Hanggang kailan ko pa ikukulong ang sarili ko sa mga tao at sitwasyong hindi ko na mahawakan?

I can feel my tears filling a cup again as my shoulders drooped. There's a strong and painful force in my heart that keeps banging. Tila ba dahan-dahan at paulit-ulit na tinutusok ang malambot na laman ng puso ko sa bawat pagpiga ng ugat sa isip ko. But my eyes suddenly became wide as I gasped for some air when someone covered me with a blanket.

"Baka mahamogan ka sa lamig."

Agad namang humupa ang gulat ko nang makumpirma kong si Icarius lang pala. Hindi ba talaga niya mababago ang ugaling ito? He's always surprising me in different ways.

"Akala ko magpapahinga ka na rin."

"Paano ako makakapagpahinga kung ang pahinga ko ay nandito pa sa labas?"

Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa harapan. Hanggang kailan mo ba ako gugulatin, Icarius? Baka mamalayan ko na lang din na baliw na ako sa nararamdaman ko sa 'yo.

It's not just the sugary words, but the sincerity and seriousness. Akala ko talaga 'nong una ay hindi ko makikita o mararamdaman ang ganitong side niya. I thought he's not someone who will make a move to his woman through words. Now, I can see that he's balancing it well enough for me to fall.

Out of frown, my lips involuntarily create a small smile. Umiwas ako bago pa man niya makita iyon. Tila hindi na gustong tumulo ng mga luha ko ngayon na nandito na ulit siya.

"Ah, dito ka pala sa kubo nagpapahinga." It was a stupid remark as a response to his flattering words. But as much as possible, gusto kong magbingi-bingihan muna hangga't hindi ko pa naaayos ang mga iniisip ko.

I heard him let out a low chuckle. "I guess so. Sa kubong ito ko lang kasi nahahanap ang kapayapaan ng loob ko."

It's so ironic that we're both feeling the same way. The room given to me and this place is the only peaceful world for me. Sa dalawang lugar na iyon ay doon lang ako nakakapag-isip ng maayos.

"Dito ko rin nahanap si Aislinn. Dito namin nahanap ang katahimikan sa magulong mundo."

"Dito natin nakita ang liwanag ng buwan sa madilim na araw."

"Dito rin natin mabubuo ang mga sarili natin para tuluyang maging isa."

Hindi ako nakasagot. Hindi ba't masyadong maaga at mabilis ang halos sampung buwan na pakikisama ko kay Icarius at sa pamilya niya? Sa totoo lang, hindi ko talaga inasahan na may mabubuo sa amin. Kahit na ramdam ko naman ang unti-unting pagbabago sa loob ko ay hindi ko pa rin nakita na aabot kami sa ganitong sitwasyon.

I was so focus on my thoughts and experiences. Hindi ko gaanong nabibigyan ng pansin ang totoong nararamdaman ko, pero ngayon na unti-unting binubuksan ni Icarius ang pinto, unti-unti ko ring hinahayaan ang sarili ko na makapasok.

EvanesceWhere stories live. Discover now