2 - Damn Iteration

22.7K 1.2K 1.1K
                                    

2 - Damn Iteration



Anim ang mga zombies na nakapasok sa loob ng classroom. Agad na hinampas ni Yuan ang una niyang nalapitan. Halos mayupi ang ulo nito. Bumagsak ito sa sahig at doon ay natigilan ang lahat.



"Tangina!" sigaw ni Vic. Bumaba siya mula sa upuang kinatutungtungan at saka iyon binuhat. Inihagis niya ang upuan sa isa sa mga zombies na naging dahilan ng pagkatumba nito.



Muling bumalik ang ingay sa classroom dahil tila nabuhayan ang lahat. Nawala ang kaninang mga takot na estudyante at ang lahat ngayon ay matapang. Mas madami ang bilang nila kaya saglit lamang ay napatumba na ang mga zombies.



Hingal na hingal ang lahat. Ang ilan dahil sa pagod, ang karamihan ay dahil sa pag-iyak at takot. Nagkalat ang dugo at laman loob sa sahig pero hindi alintana ng kahit na sino man. Pinili ng mga estudyante na magpahinga muna.



"What the hell is happening?" tanong ni Cel. Kahit wala ng zombies sa loob ng classroom ay hindi pa rin niya magawang tumahan.



"Damn, isn't it obvious?" sarkastikong tanong ni Jet. Pabagsak siyang umupo sa malapit sa bintana at napasapo na lamang sa kanyang noo.



"Kainis. Down yata ang Facebook at Messenger." Pare-pareho silang napatingin kay JL. Halos sabay-sabay din silang naglabas ng kanya-kanyang phone.



"Gumagana pa ang Campus WiFi pero hindi na rin ako maka-open ng Twitter." Ipinakita ni Joy ang screen ng kanyang cellphone sa mga kaklase.



"Ayaw din mag-open ng Instagram." Nakangiwing itinaas din ni Princess ang cellphone niya.



"TikTok kaya?" Biglang natahimik ang buong silid at sabay-sabay nilang tinignan ng masama si John.



"Tanga. Aanhin natin 'yon?" naiinis na tanong ni Yuan saka nilapitan ang sariling bag para ibalik doon ang kanyang cellphone. Naglabas din siya ng wet tissue para linisin ang sarili.



"Tangina ka, Yuan! Bakit feeling ko hiniling mo to?" natatawang tanong ni Kenzo.



Sa kabila ng lahat ay nagtawanan ang mga kaibigan ni Yuan. Ang iba naman nilang kaklase ay napakunot ang mga noo at halatang nagtataka.



"Siraulo!" sabi na lamang ni Yuan habang pinupunasan ang kanyang pisngi na natalsikan ng dugo kanina.



"Just so everybody knows, may pagka-weirdo itong bestfriend ko." natatawang sabi ni Mariz para ipaliwanag sa iba nilang kaklase kung bakit nila sinasabing hiniling ni Yuan ang nangyayari. "Mas hilig niyang manood ng mga patayan at nakakadiring bagay kaysa love stories and kilig movies. Palagi lang yan naka-poker face pero matagal na yan naghahanap ng aksyon sa buhay kaya malamang masaya yan ngayon."



"Kaya kung zombie apocalypse man nga itong nangyayari, just stick with Yuan, guys. Wala lang siyang emosyon, pero marami siyang alam sa mga ganitong bagay." dugtong pa ni Rina na naging dahilan muli ng tawanan.



"Tigilan niyo ko ah." naiiling na sabi ni Yuan habang pinipigilan ang sariling makisabay sa tawanan. "Gusto ko ng thrill pero hindi ko gustong may nasasaktan." dagdag niya pa pero wala ng pumansin sa sinabi niya.



"Yuan, mula sa mga napanood mong tungkol sa zombies, ano bang dapat naming malaman?" mapang-asar pang tanong ni John.



"If those movies and series are right, zombies can't see. They only react to sounds. Kaya nilalagpasan lang nila ako kanina, at sa inyo sila dumidiretso, kasi ang iingay niyo!"



2025Onde as histórias ganham vida. Descobre agora