15 - Shut the fuck up

9.6K 810 224
                                    

15 - Shut the fuck up



"This is unacceptable," hindi makapaniwalang sambit ni Warren habang nakapameywang. "I am literally your brother."



Napangiwi si Yuan. "You're not. Binasted ka ni Ate, remember?"



Mula sa pagdungaw sa bintana ay inilipat ng nakikinig na si Lucas ang tingin kay Warren saka ito napangisi. Lumingon muna si Warren sa paligid at nang masigurong nasa malayo si Leanne ay saka niya sinamaan ng tingin ang kapatid nito.



"Tangina mo. I was just wondering how come I didn't know that you have nyctophobia." Akmang pipitikin ni Warren ang noo ni Yuan ng mabilis nitong tapikin ang kamay niya.



"Hindi ako tanga para sabihin yun sayo dahil alam kong gagamitin mo yon para i-prank ako."



"Hoy!" Susubukan sanang depensahan ni Warren ang sarili pero agad na nagtaas ng isang kilay ang dalaga. "Bakit alam mo?"



Napairap si Yuan saka kinuha ang flashlight na iniaabot ni Lucas. Bago tumayo ay nilingon niyang muli si Warren. "Kasi tangina mo rin."



Palayo na sana ang dalaga para lapitan ang kanyang kapatid ng muling mang-asar si Warren. "Pag ikaw dinalaw ng ina ko."



"Kuya Wawie!" Napatigil si Yuan sa paglalakad at bakas ang magkahalong takot at inis sa mukha nito ng lingunin si Warren. Agad din itong pumikit saka mabilis na bumulong. "Rest in peace, Tita Wena. I love you but please just stay where you are."



Tumawa ng malakas si Warren na lalong ikinasimangot ni Yuan ng magmulat ito. Tatalikod na sana ang dalaga ng marinig ang mahinang pagtawa ni Lucas. Napaawang ang bibig ni Yuan.



"Magsama kayo!"



Sinalubong ni Leanne ang nagdadabog na kapatid at kinuha ang flashlight na iniaabot nito. Siya ang naatasang maghawak ng nagiisang source nila ng liwanag.."Ano nanaman ba ang pinagawayan niyo?"



Nagkibit balikat lamang si Warren. Lumapit na din sa kanila ang tatlo pang guro kasama ang mga batang may mga panyo na nakatali sa kanilang noo.



"What's your name?" nakangiting tanong ni Yuan sa batang lalaki na may makapal na bangs.



"Yohan po."



Lalong lumawak ang ngiti ni Yuan ng marinig ang pangalan ng bata. "I'm Ate Yuan. I will be your partner in this game. Kakapit ka sakin ng mahigpit habang tumatakbo ako ah?"



Nakangiting tumango ang bata at nakipag-high five pa kay Yuan. Maging ang dalawa pang batang kasama nila ay halatang excited sa sinasabing laro. Walang kaalam alam sa nakakatakot na reyalidad na sasalubong sa kanila paglabas ng laboratory.



"Who will carry the other kids?" tanong ni Bea sa mga natitira. Si Yuan ay busy na sa pakikipagkwentuhan kay Yohan.



Magtataas sana ng kamay si Warren ng mabilis siyang pinigilan ni Leanne. Kunot noong nilingon ng binata ang pumigil sa kanya. Isang makahulugang tingin ang ibinigay ni Leanne kay Warren saka nila sabay na nilingon si Yuan.



"I'm... I'm not really in good terms with kids," nag-aalangan na katwiran ni Warren ng muli niyang harapin ang mga kasama.



"It's okay," nakangiting sabi ni Kyla saka nilingon ang batang babae na kasama ng isa pang batang lalaki palapit kina Yuan. "Sa akin lang sumasama si Sarah kaya ako ang bubuhat sa kanya."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon