32 - Tita

7.2K 598 219
                                    

32 - Tita



"Saan ba kayo nanggaling?" kunot-noong tanong ni Henry kina Yuan at Lucas. Hindi pa man nakakababa ang dalawa mula sa truck ay ilang ulit na itong nagtanong. "Bakit ang tagal ninyo? Did you encounter zombies? Are you okay?"



"Dad, calm down," awat ng dalaga sa kanyang ama. Bitbit ang kanyang espada, tumalon siya mula sa passenger's side at isinara ang pinto. "Ayos lang kami."



"We had to stop po," simpleng saad ni Lucas nang makaikot mula sa driver's side palapit sa mag-ama.



"Akala namin kung napano na kayo," naiiling na sabi ni Conrad habang isinasara ang gate. Nang masigurong matibay ang pagkaka-lock noon ay lumapit din siya kina Yuan. "Kanina pa kami dito. Balak na nga sana namin kayong balikan. Ano bang nangyari at tumigil kayo?"



Sabay na napatingin sa isa't isa ang dalawang kabataan. Sabay din silang nag-iwas ng tingin sa isa't isa.



Naiilang na ngumiti si Yuan kina Conrad at Henry. "Sorry po, if we made you worry. Pero we're okay po. Nothing serious happened."



Matagal na tinitigan ni Henry ang kanyang anak. Maging si Conrad ay nakataas ang isang kilay at tila naghihintay pa ng ibang eksplanasyon mula sa dalaga. Maya-maya ay sabay silang napabuntong hininga.



"Sige na, pumasok na kayo. Nakapag-hapunan na kami, baka gusto niyo rin kumain ulit," ani Conrad saka tumalikod at iniwan ang mga kasama.



"Sige na," tumatango na sabi naman ni Henry. "We still have to secure the whole yard and make sure we're safe here. Go inside."



Pinanood ng dalawa ang likod ng naglalakad na si Henry. Tanging ang mga nakabukas na ilaw mula sa malaking bahay ang nagbibigay ng liwanag sa kanilang kinatatayuan kaya mabilis na nawala ang pigura nito sa kanilang paningin.



"Nothing serious happened, huh?" nakangising bulong ni Lucas ng maiwan silang dalawa ni Yuan. "I was serious. I'm still serious."



"And I'm tired." Tinatamad na tinignan ng dalaga ang mga mata ni Lucas. "Awat muna sa landi."



Natawa ang binata at agad namang tumalikod ang nakasimangot na si Yuan. Mas binilisan niya ang paglalakad hanggang sa mawala sa kanyang pandinig ang mapang-asar na tawa ni Lucas.



"Hoy saan kayo galing?" Si Kenzo ang naunang sumalubong kay Yuan nang makapasok siya sa main door ng bahay ng gobernador.



"Nasaan ang mga tao?" Hindi pinansin ng dalaga ang tanong ng kanyang kababata. Nagtatakang inilibot niya ang paningin sa malawak na receiving area. "Is everyone asleep already?"



"Nag-le-labor si Ate Mara."



Natigilan ang dalaga sa narinig. Sinalakay siya ng matinding kaba ng mahalata ang pag-aalala sa mukha ni Kenzo. "F-For real? As in she's about to give birth?"



"Yeah. It's for real this time," sagot ni Kenzo.



Nang maglakad ang binata ay agad na sumunod si Yuan. Nailibot niya pa ang paningin ng makitang nasa isang malawak na kusina sila. "Is she okay? Who's with her?"



"Kevin, of course," sagot ni Kenzo habang nagbubukas ng refrigerator. Sandali siyang yumuko at maya-maya ay naglabas ng isang bote ng mineral water. "Mariz and Rina are also there. Tita Lucia, too. And Ate Kyla, since she's a health teacher."



Tumango tango lamang si Yuan habang pinapanood si Kenzo na buksan ang bote ng tubig. Nagulat siya ng makitang nasa harapan niya na ang inumin. Binigyan niya ng nagtatanong na tingin ang kababata.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon