14 - Nyctophobic

9.9K 772 253
                                    

14 - Nyctophobic



"Damn, it's really getting dark," wala sa sariling nasabi ni Warren habang nakatingala sa kalangitan. Agad na itinutok sa kanya ni Yuan ang flashlight na nakita nila sa guard house at sinenyasan siya na tumahimik.



Hindi na nakaangal pa si Warren noong umalis na sa kanilang pinagtataguan si Lucas at agad na sumunod dito si Yuan. Mabilis ngunit maingat na naglalakad ang tatlo sa gilid upang hindi mapansin ng mga batang zombies.



Walang ikalawang palapag ang tatlong magkakadugtong na buildings ng paaralan. Nakapalibot lamang ang mga ito sa malawak na pavement na siyang sentro ng buong school. Bagamat makikita naman ang isa't isa kahit magkakalayo, pinili ng tatlo na hindi maghiwa-hiwalay.



Nang makarating sa isang pasilyo ay sandaling tumigil ang tatlo para habulin ang paghinga. Hindi pa man nakakabawi ang katawan ni Yuan ay nagsimula na ulit maglakad ang dalawang lalaki. Kahit na hinihingal pa ay mabilis na humabol ang dalaga saka pasimpleng kumapit sa hood ng jacket ni Warren.



Nagtatakang nilingon ni Warren ang dalaga na mabilis ibinaba ang kanyang kamay at nagtaas lamang ng isang kilay. Nagpatuloy sila sa paglalakad ngunit mas mabagal ngayon lalo pa at sinisilip nila ang bawat classroom na madadaanan.



"What is this room?" mahinang tanong ni Lucas pagtapat nila sa isang silid. Kumpara sa mga una nilang nadaanan na classrooms ay iba ang pinto at mga bintana nito.



Tumingala si Yuan at itinapat ang liwanag ng flashlight sa nakapaskil sa taas ng pinto. "Faculty Room."



"They could be inside." Lumingon si Lucas sa dalaga. "The windows of the previous classrooms are too wide and have no curtains."



Tumango si Yuan at bumulong din. "Yeah. If I'm gonna choose between these rooms, the faculty is the best hiding place."



"Bakit kapag ako ang nagsalita, bawal--" Napasimangot na lamang si Warren ng sabay na lumingon sa kanya ang dalawang kasama at parehong sumenyas na tumahimik siya.



Nang tumango si Yuan ay dahan dahang pinihit ni Lucas ang doorknob. Siya na rin ang naunang sumilip at pumasok. Agad na sumunod ang dalawa.



"Empty," tinatamad na sabi ni Warren saka naupo sa isa sa mga swivel chairs.



Napatango tango si Yuan. "This is an elementary school. Kung magkakagulo sa labas, lalabas ang mga teachers dahil responsibility nila ang mga bata."



"Then where could they be?" tanong ni Warren. "Hindi pa tayo nangangalahati sa lahat ng rooms dito, madilim na sa labas. Iisa lang ang flashlight natin."



"We'll just pass on normal classrooms." Muling lumingon si Lucas kay Yuan. "Your sister said that they have kids with them. There's no way they would settle on a room where the kids could see the zombies outside. The room should have curtains."



Sandaling tumahimik si Yuan saka napangiti. "Nice deduction. Let's go."



Tumayo na din si Warren saka tinapik ang balikat ni Lucas. "Didn't know you're a smartass, dude. 2 points."



Napakunot na lamang ang noo ni Lucas saka sumunod sa dalawa palabas ng faculty room.



Tulad ng sinabi ni Lucas, nilagpasan na lamang nila ang mga normal na classrooms na kanilang nadadaanan. Nang makarating sa pangalawang building, dalawang magkatabing pinto ang umagaw sa kanilang pansin.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon