26 - The Governor
"Wake up, kids. I'm alive."
Mabilis na napaurong si Warren noong magmulat at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Yuan. Nakalimutan niyang nasa dulo siya ng kama at dire-diretso siyang nahulog sa kawawang si Lucas na natutulog sa sahig.
"Fuck, Warren. What the hell is--" Napatigil si Lucas sa pagsasalita at pagbangon ng makitang nakaupo mismo si Yuan sa kanyang tabi. Hindi na ito nakapantulog at tila nagbihis para lumabas ng bahay.
"Good morning," nakangiting bati ni Yuan sa binata.
"Dude, am I still dreaming?" wala sa sariling tanong ni Warren kay Lucas habang pareho nilang hindi maialis ang tingin sa nakangiting dalaga. "Yuan and mornings don't go well with each other. This might be a parallel universe."
Mabilis na nawala ang ngiti ni Yuan. Malakas niyang binatukan si Warren. "Agang aga ang OA mo."
Napaawang naman ang bibig ni Warren. "Tangina, si Yuan nga siya."
Napakunot din ang noo ni Lucas dahil sa kadramahan ni Warren pero hindi na siya nakapagsalita ng hilahin siya ni Yuan patayo. Wala ng nagawa ang binata kung hindi ang kusutin ang kanyang mga mata at pilitin ang sarili na magising.
"Why are you here?"
Nakangiting tumingala si Yuan para tignan ang inaantok na mukha ni Lucas. "Because it's that time of the week again."
"That time?" naguguluhang tanong ni Warren na nakaupo na ngayon sa kama. Sa likod nito ay ang natutulog na si Kenzo.
"The time before starvation," sarkastikong sagot ni Yuan. "We're running out of stocks again, so we need to go grocery shopping."
"Wait." Napahikab si Lucas. Inihilamos niya ang mga palad sa mukha, pinipilit pa rin ang sarili na tuluyang magising. "Are you okay now?"
"Of course." Tuluyang nagising ang binata noong hilahin ni Yuan ang kanyang kamay at ipatong sa noo nito para iparamdam na hindi na siya mainit. "See?"
"Alright." Tumayo si Warren mula sa kama. "I'll take a bath first. Maglandian muna kayo dyan."
Napakunot lamang ang noo ng dalawa habang sinusundan ng tingin ang binata na naglalakad patungo sa banyo. Hindi pa agad ito pumasok doon at muling lumingon sa kanila. "I'm serious, dude. Score's tied now."
*****
Nagluluto ng agahan si Lucia habang nakapwesto naman si Yuan sa dining table. Halos maibuga ng dalaga ang iniinom na kape ng marinig ang mga kalabog ni Warren na patakbong bumababa ng hagdan.
"Gago, magigising lahat dahil sayo," saway ni Yuan sa binata.
"You didn't tell us." Hinihingal na umupo si Warren sa tabi ng dalaga. "We've cleared all grocery stores in town. Where the hell are we going today?"
Bahagyang nilingon ni Yuan ang kanyang ina na natatawa lamang dahil kay Warren saka muling ibinalik ang tingin sa binata. Tipid lamang siyang sumagot. "The supermall next town."
Napangiwi si Warren. "We'll travel for two hours just to get groceries?"
"Kaya nga maaga ko kayong ginising. Naliligo na din si Manong Jules," ani Yuan saka muling humigop sa kanyang kape. Hindi niya pa iyon tuluyang naibababa ng agawin iyon ni Warren saka inubos ang laman.
BINABASA MO ANG
2025
Science Fiction⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill the responsibility she had given herself - to save everyone around her in a zombie apocalypse. The ye...