17 - Room Assignments
Wala pang alasais ng umaga ay bumangon na si Yuan. Maingat siyang bumaba ng kama upang hindi magising ang mga kaklaseng natutulog sa kanyang tabi at maging sa sahig ng kanyang kwarto. Tahimik siyang pumasok sa cr.
Nang matapos mag-ayos ay inilibot niya ang tingin sa buong silid at sa lahat ng natutulog doon. Napahinga siya ng malalim saka nagpasyang lumabas.
"Can't sleep?"
Nagulat ang dalaga ng makitang naroon si Warren sa labas ng kanyang silid. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sahig at bahagyang pinagpagan ang suot na pants.
"Did you sleep here?" tanong ni Yuan pabalik. Nagsimula silang maglakad patungo sa hagdanan.
"I went home but I just can't get myself to sleep kaya bumalik na lang ako."
"What are you doing in front of my door?" Nakababa na ng isang baitang sa hagdan ang dalaga noong tumigil si Warren sa paglalakad. Napahinto din si Yuan at lumingon dito.
"Are you alright?" Hindi inaasahan ni Yuan ang narinig na tanong. Lalo niyang ipinagtaka ay ang seryosong mukha ni Warren. "Last night was hell for you and--"
"I'm fine, Kuya Wawie." Bahagyang napangiti ang dalaga. "Buhay pa ko."
Huminga ng malalim ang binata saka ngumisi.
"That's good to hear. You've been annoying me all my life and you've declared that you'll be the one to kill me. It would be unfair if you die not on my hands."
"What a wonderful way to encourage me to live, Kuya Wawie," sarkastikong sabi ni Yuan. Bahagyang natawa si Warren saka umakbay sa dalaga at sabay silang bumaba ng hagdan.
"I-It was like the purge out there."
Nawala ang ngiti sa mukha ng dalawa nang maabutang umiiyak si Mara habang nakaupo sa sofa sa living room. Naroon din si Lucia na kasalukuyang humihimas sa likod ng buntis para pakalmahin ito.
"I never thought my baby would grow up without a father. I don't even know if I can take care of her by myself." Naitakip ni Mara ang mga palad sa kanyang mukha at patuloy na umiyak.
"We're here. We will help," pagdamay ni Lucia kay Mara saka niya ito niyakap. "Everything will be alright."
Patuloy na umiyak si Mara sa mga bisig ni Lucia. Nang kumalma ang buntis ay tumayo si Lucia para kumuha ng tubig. Napatigil siya saglit ng makita sina Yuan at Warren na nakatayo malapit sa likod ng sofa. Sinenyasan niya ang mga ito na samahan muna si Mara.
"Ahm, hi," nag-aalangan na bati ni Warren ng lapitan nila ang buntis.
Lumingon si Mara sa binata ngunit agad naagaw ni Yuan ang kanyang pansin. Hindi maialis ng dalaga ang kanyang tingin sa nakabukas na TV habang lumalapit siya sa lamesita. Nang makuha doon ang remote ay agad niyang nilakasan ang volume para marinig ang kasalukuyang ibinabalita.
"...ang hindi matukoy na sakit ay nagdulot na ng matinding pagbabago sa buong bansa..."
"Parang ngayon ko lang napanood yang journalist na yan," komento ng kararating lamang na si Lucia. Iniabot nito ang isang basong tubig kay Mara saka muling umupo sa tabi nito.
"Maybe she's new?" ani Warren saka saglit na lumingon kay Lucia.
Bahagyang nilingon din ni Yuan ang mga kasama sa living room. "Maybe she's one of the only few who survived Day 1."
BINABASA MO ANG
2025
Science Fiction⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill the responsibility she had given herself - to save everyone around her in a zombie apocalypse. The ye...