40 - Calm (Part 2)

7.7K 520 131
                                    

40 - Calm (Part 2)



"Didn't I already mention before that Kuya Warren, Yuan, and I always sneak out from events?" nakangising tanong ni Kenzo sa kanyang kasintahan habang pababa sila ng hagdan.



"We just play baseball almost all the time," dagdag ni Yuan.



Nang makababa sila ng hagdan ay umikot ang tatlo patungo sa backdoor ng bahay.



"Bakit hindi kayo nag-try out for the university baseball team?" tanong ni Mariz.



"Hindi naman talaga kami magaling," humalakhak si Kenzo. "Madalas, ako ang at bat dahil catcher si Kuya Warren dati sa college team niya and Yuan throws really good pitches. Pero, tsamba lang ako kung makapagpalipad ng bola."



"Same here," nakasimangot na sabi naman ni Yuan. "Bibihira ko nga lang din matamaan yung bola."



"Si Kuya Warren?" tanong ulit ni Mariz. "Is he really a great player?"



"Gago! Ayoko nga!"



Naputol ang usapan ng tatlo ng makalabas sila sa likod ng bahay at bumungad sa kanila ang sigaw ni Leanne. Nakaharap ang dalaga sa nakakunot ang noong si Warren at sa mukha kakagising lamang na si Lucas. Nakatayo ang tatlo sa gitna ng malawak na damuhan bago ang taniman ng mga gulay na pinagkukunan nila ng makakain sa araw-araw. Tanaw din doon ang kulungan ng mga manok at baboy na pagmamay-ari ng gobernador.



Lumapit si Rina kina Yuan, Mariz at Kenzo na nananatiling nakatayo malapit sa backdoor ng bahay. Sandali niyang sinulyapan ang mga nagsisigawan bago muling hinarap ang mga kaibigan niya. "Magpapatayan na yata sina Ate Leanne at Kuya Warren."



"That is..." Napalingon ang magkakaklase ng biglang sumulpot si Gian sa kanilang tabi. "...if they can kill each other before Lucas kills them. Ginising lang daw yan ni Kuya Warren, tignan niyo naman, mukhang hahampasin ng bat ang kahit na sinong kumausap sa kanya."



Natawa sina Kenzo at Mariz habang napangiwi lamang si Yuan. Wala pang muling nakakapagsalita sa kanila ng halos itulak sila ni Jet para hawiin sa daan. Naiinis nilang nilingon ang binata at nagtaka sila ng makitang hinihila nito ang tila inaantok pa din na si Kevin.



"Kuya Warren, eto na!" masayang balita ni Jet habang naglalakad patungo sa gitna ng damuhan.



Nagkatinginan na lamang ang magkakaibigan. Si Yuan naman ay kunot-noong sumunod kay Jet.



"Maglalaro ba talaga tayo? Yes, we have bats and a baseball but we don't have a--" Naputol ang tanong ni Yuan nang taas noong itinaas ni Warren ang kaliwang kamay kung saan nakasuot ang isang baseball glove. "...mitt. I was gonna say we don't have a mitt, but ladies and gentlemen, Warren Mercado packed a baseball and a mitt to survive the apocalypse."



"Ha-ha, Yuan," sarkastikong tawa ni Warren saka ibinaba ang kamay.



"Oh, diba? Hindi naman kayo magkasundo," ani Leanne habang nakakrus ang mga braso. "Akin si Yuan."



"Yuan is my pitcher!" apela ni Warren. "It has been like that since we were kids. Yuan is in my team, pati si Kenzo."



"Ako ang kapatid!" katwiran naman ni Leanne. "Yuan should pitch for my team!"



"Hindi mo rin naman mapapakinabangan si Yuan, Ate Yan." Napalingon ang lahat sa papalapit na si Kenzo. Kasunod nito sina Mariz, Rina at Gian.



"Oo nga, Ate Leanne," pag-sang ayon ni Rina. "She's injured."



"But, she can also pitch with her left hand," ani Warren.



2025Where stories live. Discover now