25 - False Alarm
Lumipas ang tatlong araw na hindi nakalalabas ng kwarto si Yuan. Nakakulong man sa iisang bahay ang mga kaibigan niya, nakakulong din naman siya sa silid na hiwalay sa kanila. Sa tatlong araw na iyon ay tanging ang mga magulang niya, si Warren, Kevin, at mga kaibigang nagpapalitan sa pagbabantay sa kanya ang nakikita at nakakasama niya. Naiintindihan niyang hindi siya pwedeng lapitan ng iba, lalo na ng mga bata, dahil baka mahawa ang mga ito.
Nag-alarm ang dalaga ng alasdos ng hapon. Hindi siya pwedeng matulog ng diretso dahil may usapan sila ni Kevin na manonood ng movie. Nang tumunog iyon ay bumangon si Yuan saka sumandal sa headboard ng kama. Hindi rin nagtagal ay may kumatok sa pinto.
"Hey," bati ni Leanne saka tipid na ngumiti.
"Hey," wala sa sariling bati din ni Yuan sa kanyang kapatid. Tatlong araw niya itong hindi nakita at hindi niya inaasahan ang pagpasok nito sa silid.
Diretsong naglakad si Leanne palapit sa kama saka naupo paharap sa kanyang kapatid. "Im sorry."
Hindi nakapagsalita si Yuan. Hindi niya maintindihan kung bakit humihingi ng tawad ang kapatid.
"I'm so sorry, ngayon lang kita pinuntahan. Hindi ko kasi--"
"I understand," putol ni Yuan sa sasabihin ng kapatid. Lalo niyang ipinagtataka ay ang mga nitong kumikislap dahil sa nangingilid na luha. "Hindi ka pwedeng mahawa sakin kasi you're always with the kids. They might get sick, too."
Bahagyang napaawang ang mga labi ni Leanne dahil sa sinabi ng kapatid. Hindi na siya nakapagsalita at tuluyang tumulo ang mga luha.
"Bakit ka umiiyak?" nakangiwing tanong ni Yuan. Bahagya pa siyang umiwas ng yayakapin siya ni Leanne pero nahuli pa rin siya ng mga braso nito.
"I'm sorry," muling sabi ni Leanne sa pagitan ng paghikbi. Patuloy siyang umiyak habang nakayakap sa kapatid.
Naguguluhan man, dahan dahang iniangat ni Yuan ang kaliwang kamay saka paulit-ulit na tinapik ang likod ng kanyang Ate. "You're acting weird."
Bahagyang natawa si Leanne saka kumalas sa yakap. "Ang init mo pa din."
"So that was a warm hug," nakangiting sabi ni Yuan na tila proud sa kanyang biro. Napangiwi lamang ang kanyang Ate. "You should at least smile."
Naiiling na napangiti si Leanne. "I'm happy you're getting better."
"May lagnat lang ako," muling nakangiwi na sabi ni Yuan. "Why are you all acting like I'm in a life-and-death situation?"
"Just appreciate that everyone cares for you," pangangaral ni Leanne sa kapatid. Huminga siya ng malalim habang hindi inaalis ang tingin dito. "And don't forget that I care for you, too. Kahit na ngayon lang kita pinuntahan."
"I've already told you that I understand, you can't get sick because of the kids." Hindi nawawala ang ngiwi sa mukha ni Yuan. "Stop saying sorry, you're making me cringe."
Muling tumulo ang mga luha sa mga mata ni Leanne. Lalo lamang ngumiwi si Yuan. "And now you're crying again. What the hell is wrong with you?"
"Wawie..." Naputol ang sasabihin ni Leanne dahil sa paghikbi.
Biglang naging seryoso ang mukha ni Yuan. "What did that jerk do to you?"
"He's...he's right." Pinunasan ni Leanne ang sariling pisngi. "Wawie's right. You don't think ill of me."
Unti unting tumaas ang isang kilay ni Yuan. Hindi niya nanaman naiintindihan ang sinasabi ng nakatatandang kapatid. "Why would I?"
BINABASA MO ANG
2025
Science Fiction⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill the responsibility she had given herself - to save everyone around her in a zombie apocalypse. The ye...