24 - Wounds and Scratches

8.3K 634 226
                                    

24 - Wounds and Scratches



"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh."



Boses ng kanyang ama ang kaunahang narinig ni Yuan ng maalimpungatan. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata at napagtantong nasa loob siya ng kwarto ng kanyang mga magulang.



"Nakakaligtas nga siya sa mga zombies, siya naman ang papatay sa sarili niya."



"Henry!" awat ni Lucia sa kanyang asawa. "Watch what you're saying. You're talking about our daughter."



"Our daughter - who have to listen to me," may diin na ipinagpatuloy ni Henry ang paglalabas ng naghahalong inis at pag-aalala. "I told her to take care of herself--"



"Henry, this is not the time for that!" mahina ngunit mataas ang tonong saway ni Lucia sa kanyang asawa. "And don't you dare yell at my daughter when she wakes up!"



"Ingay niyo."



Natigilan ang mag-asawa ng marinig ang mahina at namamaos na boses ng kanilang anak. Mabilis na lumapit si Henry sa kama. Bagamat nanginginig ay mahigpit na kinapitan ni Lucia ang kamay ni Yuan.



"Anak," halos sabay na tawag ng mag-asawa.



"Are you alright? May masakit ba sayo? Kamusta ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong ni Henry. Bigla na lamang naging maamo ang ekspresyon nito at naging malambing ang tono ng pananalita. Hindi rin nito maitago ang ngiti dahil sa wakas ay gising na ang kanyang anak.



Bahagyang naitaas ni Lucia ang isang kilay saka inilipat ang tingin sa asawa. "Oh, kanina lang galit ka, diba?"



Natawa si Yuan ng tuluyang mawala ang pinipigilang ngiti ng kanyang ama. Sasagot pa sana si Henry sa kanyang asawa ng bumangon ang kanilang anak.



"Yuan, anak. You still need to rest." Wala ng nagawa si Lucia nang tuluyang maupo si Yuan. Itinaas niya ang isang unan at pinasandal ang anak sa headboard ng kama.



"Yuan, you have to listen to your mom," mahinang dagdag ni Henry habang binibigyan ng makahulugang tingin ang kanyang anak.



Napailing si Yuan habang nakangiti. "I'm not dying. Ang OA niyo."



"Yuan!" Muli ay sabay na tinawag ng mag-asawa ang pangalan ng kanilang anak. Kapwa magkasalubong ang mga kilay.



"What?" nagtatakang tanong ng dalaga. Bahagyang nakaawang ang mapuputlang labi.



Napabuntong hininga si Lucia saka umayos ng upo habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Yuan. Si Henry naman ay naghila ng isang upuan palapit sa kanyang mag-ina at doon pumwesto.



"Yuan, anak. Tell me the truth." Muling huminga ng malalim si Lucia. "Is this hard for you?"



Nawala na ang ngiti sa mukha ni Yuan ng mapagtantong seryoso ang usapan. "I'm...just tired, Mom. I just need to rest."



"Is it hard?" pag-uulit ni Henry sa tanong. May diin sa huling salita na para bang gusto niyang sagutin siya ni Yuan ng diretso.



"Well, yeah. It is." Nagkatinginan ang mag-asawa. Bago pa man sila muling makapagsalita ay agad na nagpaliwanag si Yuan. "But Dad, that's because nobody knew this would happen. Of course, it's hard, because I never trained for an apocalypse. But, then again, who did?"



Napatitig sa kanya ang kanyang mga magulang at napayuko na lamang si Yuan. Maya-maya ay naramdaman niyang hinila ni Lucia ang kanyang mga kamay at ibinuka ang kanyang mga palad. Pare-pareho nilang tinitigan ang mga sugat at gasgas doon dulot ng paggamit ng espada sa pakikipaglaban.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon