6 - Go

12.7K 903 700
                                    

6 - Go



"Shit!" Buong lakas na itinulak ni Lucas ang baseball bat na kinagat ng isang zombie. Napaatras iyon at sumaksak sa isa pang zombie ang buto na nakausli sa likod niyon.



Sa sobrang dami ng zombies na nagkalat sa labas ng Nursing Building, nahirapan sina Yuan at Lucas na makalapit sa mga estudyanteng gusto nilang tulungan.



Habang pilit na hinahawi ng dalawa ang mga zombies, umalingawngaw ang sigaw ng isa sa mga babae. Nakadagdag iyon sa pagkainis ni Lucas dahil ni hindi nila magawang lumingon sa mga ito.



Hindi nagtagal ay narinig din ang pagiyak ng isa pa sa mga babae. Noong nagkaroon ng pagkakataon si Yuan para makalingon sa direksyon ng mga ito, napagtanto niyang umiiyak ang babae dahil namatay na ang kasama na sumigaw kanina.



"Hey, no!" sigaw ng lalaking nakasuot pa ng nursing uniform noong lapitan ng babae ang namatay na kasama. Kahit si Yuan ay napakunot ang noo sa nasaksihan.



"Is that girl fucking stupid?!" Bakas ang pagkairita sa boses ni Lucas habang patuloy na hinahampas ang mga zombie na malapit sa kanya.



Ilang zombies pa ang magkatulong na pinatumba nina Yuan at Lucas bago nila nalapitan ang pakay. Bagsak ang balikat ng dalawa ng makitang duguan na rin ang pangalawang babae.



"Damn it!"



"Lucas!"



Tila naulit ang nangyari noong unang beses na magkita ang dalawa kani-kanina lamang. May zombie nanaman sa likod ng binata at kinailangan nitong yumuko dahil hahampasin iyon ni Yuan. Hindi pa man nakakabawi ang dalaga ay hinila siya ni Lucas. Pareho silang bumagsak sa lupa kasabay ng pagbato nito sa baseball bat. Nang sundan ni Yuan ng tingin ay bumagsak ang bat sa isang zombie na malapit na sana sa lalaking nakasuot ng nursing uniform.



"Aray, shit," angal ni Yuan noong makabangon silang dalawa. Nagkaroon siya ng galos sa gilid ng palad na itinuon niya noong bumagsak sila sa lupa.



Nakangiting inilahad ng nursing student ang kamay nito para tulungan si Yuan na makatayo. Agad niya iyong tinanggap.



"Thanks."



"Go." Halos itulak ni Lucas ang dalawa.



Aangal sana si Yuan pero agad niyang napansin na marami pang mga zombies ang papunta sa direksyon nila kaya nagmadali na silang makaalis doon.



"Let me treat that."



Naglabas ng first aid kit mula sa sariling bag ang nursing student ng makita ang iniindang galos ni Yuan. Tumayo si Kenzo at pinaupo siya sa tabi ng tulog na si Mariz, habang nasa kabilang upuan naman ang nursing student.



"I'm Kevin," nakangiting sambit ng nursing student sa gitna ng panggagamot.



"Yuan," simpleng pagpapakilala ng dalaga. Bukod sa awkward na sitwasyon dahil hawak nito ang kanyang kamay, pinipigilan niyang huwag sumigaw sa hapdi na dulot ng alcohol.



Napansin ni Kevin ang ekspresyon ni Yuan sa bawat dampi ng bulak na may alcohol. Nang matapos ay mas lumapit siya at hinipan ang sugat.



Nagulat si Yuan sa ginawa ng lalaki. Hindi niya magawang bawiin ang kamay kaya nag-isip na lamang siya ng pwedeng sabihin para mabawasan ang awkwardness.



"W-Who are those two girls, by the way?"



"I don't really know them. They said they are exchange students at nakatulong pa na naligaw sila kanina dahil hindi sila nakisabay sa stampede noong magkagulo. I saw them and guided them to the emergency exit. Matagal muna kaming nagtago doon dahil maraming nagkakagulo sa baba. Kakalabas lang namin noong makita niyo kami," paliwanag ng nursing student saka muling hinipan ang sugat ng dalaga.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon