33 - Creepy People

7.5K 548 154
                                    

33 - Creepy People



"Cheer up, guys," nakangiting sabi ni Jet habang pinapalipat-lipat ang tingin kina Yuan, Kenzo, Mariz at Rina. Nang walang makuhang reaksyon ay nilingon niya si Gian na kasalukuyang nakasandal sa may pintuan. Hindi rin ito kumibo at tila malalim ang iniisip.



Hatinggabi na ay hindi pa rin natutulog ang magkakaibigan. May isang oras na mula ng nagtipon tipon sila sa kusina at wala pa ring nagsasalita maliban kay Jet.



Matapos papasukin sa bahay ang grupo ng mga bagong dating kanina, sakto namang nailuwal na ni Mara ang kanyang unica hija. Pababa ng hagdan sina Mariz at Rina ng makita nila sina Heidi. Hindi nila malaman ang gagawin ng makilala din sila ng ginang at tanungin kung nasaan ang anak nito. Mula sa tagpong iyon ay hindi na sila napalagay.



"Normal lang naman na umiyak si Tita. Nawalan siya ng nagiisang anak." Bagsak ang mga balikat na umupo din si Jet sa isa sa mga kitchen stool katabi ni Rina. Sa harap nila ay nakatayo si Yuan habang nakatulala sa isang baso ng tubig na nakapatong sa counter. "But she's not mad."



"Because we didn't tell her everything," nakatulala pa ding sabi ni Yuan.



"Princess said it's unfair and we really were unfair," nanlulumong sabi naman ni Mariz. Naitakip ang sariling mga palad sa kanyang mukha. "God, I even cursed at her."



"Which had nothing to do with her death," kunot-noong dugtong ni Jet. "Come on, guys--"



"We didn't tell Tita Heidi that her daughter wanted to go home," madiin na sabi ni Kenzo. "Walang na-contact si Princess sa pamilya niya kaya inassume natin na wala na sila. Naisip natin na wala naman ng point ang pagpunta sa bahay nila, na magsasayang lang tayo ng oras. And that's where we made a mistake."



"Gigil na gigil pa ko non, putangina," nakatingalang sabi ni Rina. Naikuyom niya ang kamay na nakapatong sa counter ng tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan. Napapikit siya ng madiin. "Paano kung pinakinggan natin si Princess that time? Paano kung pinuntahan din natin ang bahay nila? I was okay with going straight to Yuan's house because I know that we'll pass by ours on the way there. Tangina, Rina, napakaselfish."



"I-If... If we went to their house... If she knew her mom's alive... s-she could still be alive right now," umiiyak na sabi ni Mariz. Hindi niya pa rin matanggal ang mga palad na nakatakip sa kanyang mukha.



"But crying and blaming ourselves won't make a difference!" mataas ang tono na bulong ni Jet. "Guys, she's gone!"



"Rina!"



Napatayo sina Mariz at Kenzo ng bigla na lamang kinuwelyuhan ni Rina si Jet. Hindi umalis sa pagkakaupo ang binata at sinalubong lamang ng tingin ang galit ngunit umiiyak na mga mata ng dalaga.



Mula sa kabila ng counter ay hawak ni Yuan ang isang braso ni Rina na pinigilan niya bago pa nito masuntok si Jet. Nilingon niya si Gian at napakunot ang kanyang noo ng makitang tila wala sa sariling nanonood lamang ito at walang balak na awatin ang kanyang girlfriend.



Naibalik ni Yuan ang tingin sa kanyang harapan ng marahas na ibinaba ni Rina ang braso nito na pinigilan niya. Madiin itong nagsalita kasabay ng walang tigil na pagtulo ng mga luha. "She's our classmate, Jet. She's one of us."



"I know. I'm sorry. I also regret everything that happened but regretting alone won't help us survive." Huminga ng malalim si Jet. "At kung marami kayong naiisip na sana, naiisip ko din na sana hindi na lang sumagot sa tawag si Papa. Sana hindi ko na lang narinig ang mga sigaw nila."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon