22 - Girls Talk

9K 697 321
                                    

22 - Girls Talk



"So nagka-totoo yung baka siya na?" naka-krus ang mga braso na tanong ni Mariz saka pabagsak na umupo sa kama.



"Anong baka siya na?" tanong ni Mara habang nakasandal sa headboard ng kama. May hawak pa itong libro na nahiram kay Leanne pero hindi niya naman mabasa dahil sa pinag-uusapan nila.



Nakabukas din ang TV at nagpe-play ang pelikulang Along with the Gods via USB pero hindi nila ito magawang pagtuunan ng pansin.



"Nung nasa school pa lang kasi kami, Ate Mara, pabida 'tong si Yuan at nangungunang bumaba para tulungan si Lucas. Mag-isa siyang nakikipaglaban sa mga zombies sa harap ng building nila that time. Yep, he really needed help pero syempre worried din naman ako sa bestfriend ko, no. So, I asked Yuan to stay inside the bus and this bitch insisted to go out kasi baka daw si Lucas na," dire-diretsong paliwanag ni Mariz. Sumenyas pa ito ng quotation mark ng ikwento ang sinabi ni Yuan noon.



"Oh." Napatango tango si Mara saka ngumisi kay Yuan. "So siya na nga?"



Lumukot ang mukha ng dalaga. "It was a joke. I don't even know him when I said that."



Lumabas sa banyo si Rina. Nagpupunas pa ito ng buhok ng makisali sa usapan nila. "Eh bakit ngayon parang ang tagal niyo ng magkakilala?"



"He actually called me by my surname that day. Lahat naman kayo tinatawag ako by my nickname so I have no idea how the hell he knew my last name. Hindi ko na rin natanong kung bakit kasi yun yung time na hinarang tayo ng mga zombies na may dalang chainsaw."



"OMG!" Napahawak pa si Rina sa dibdib. "Baka stalker mo siya?"



Napairap si Yuan. "Gaga, famous ba ako, ha?"



"Malay mo naman, crush ka pala?"



"Cut it, Rina. Seniors nga natin nagugulat pag nalalamang nag-eexist pala ako. Yung taga-ibang department pa kaya?"



"Baka kilala ka na niya before?" tanong naman ni Mariz. "Kasi promise, parang ang komportable niyo talaga sa isa't isa."



"Oo nga," pag-sang ayon ni Mara. "Nagulat nga ako nung nalaman ko na nakilala niyo lang din si Lucas dahil sa apocalypse."



"Si Kevin din po, that same day lang namin nakilala," sabi ni Rina. "Yuan seems comfortable with him, too."



"What's wrong with that? Mabait siyang tao," apela ni Yuan.



"Bestfriend, paalala ko lang, ha?" Inalis ni Mariz ang pagkakakrus ng mga kamay saka nagpameywang. "Introvert ka, gaga. Si Kenzo nga lang ang kinakausap mong lalaki sa section natin nung first year."



"Oh? So Kevin must be special," namamanghang konklusyon ni Mara.



Napailing na lamang si Yuan na tila gusto ng sumuko sa mga pinagsasasabi ng mga kasama niya sa kwarto.



"That guy is so obvious." Tinignan ni Rina ang mga kasama sa salamin habang nagsusuklay siya ng buhok. "I am confident he likes our Yuan."



"What the fuck, Rina?" bulalas ni Yuan.



"Language!" saway ni Mariz sa dalaga saka itinuro ang tiyan ni Mara na para bang naririnig sila ng bata sa loob niyon. Natawa si Mara ng takpan ni Yuan ang sariling bibig.



"He seems to be a nice kid. Si Kevin. He's like a soft boy plus he's really handsome," punto ni Mara. "But Lucas is handsome, too. He's more like the manly type and I swear, that night when they saved me, I really thought Yuan and Lucas are in a relationship."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon