35 - The Sacrifice
"Good night, Yohan. Good night, Sarah. Good night, Harry," nakangiting nagpaalam si Leanne sa tatlong batang magkakatabi sa kama.
"Good night, Teacher Yan."
Lalong napangiti ang dalaga dahil sa maliliit at inaantok na boses ng mga bata. Tumayo siya sa kama at inayos ang kumot ng mga ito.
"Matulog ka na din, Ma'am," inaantok din na sabi ni Carlo saka pumwesto sa isang comforter na nakalatag sa sahig. Sina Bea at Kyla ay nauna ng nahimbing sa pagtulog.
"Labas lang ako saglit. Good night, Sir."
Naghikab ang lalaking guro saka tuluyang humiga. "Good night, Ma'am."
Dahan-dahang naglakad si Leanne patungo sa pinto. Sinikap niyang huwag gumawa ng kahit na anong ingay habang binubuksan at isinasara iyon.
Hahakbang na sana ang dalaga ng bigla siyang nakaramdam ng sakit sa ulo at bahagyang nagdilim ang kanyang paningin. Napatigil siya sa kinatatayuan habang madiin na nakapikit at sapo ang kanyang ulo.
"Hey, are you okay?"
Napamulat si Leanne at ilang beses na kumurap hanggang sa makakita muli ng liwanag ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang nakakunot-noong mukha ni Yuan. Hindi niya na namalayan na lumapit sa kanya ang kapatid. Hindi niya rin alam kung gaano katagal siyang nakatayo sa tapat ng pintong iyon.
"You look pale. May sakit ka ba?"
"Sumakit lang ang ulo ko. Antok lang siguro," muling pumikit si Leanne at huminga ng malalim.
Napabuntong hininga din si Yuan. "Matulog ka na."
"I'll just drink a glass of water. Matulog ka na din." Hahakbang na sana si Leanne palayo ng muling magsalita ang nakababatang kapatid.
"Ako na." Napairap si Yuan noong tinitigan lamang siya ng kanyang Ate. "Ako na ang kukuha ng tubig mo."
Unti-unting tumaas ang isang kilay ni Leanne habang nakatitig sa walang emosyong mukha ng kanyang kapatid. "May nakain ka bang panis?"
"Oh, sige. Ikaw na ang kumuha ng tubig mo. Good night. Bwiset ka."
Akmang tatalikod na si Yuan ng hilahin ni Leanne ang kanyang braso. "Minsan ka na lang maging mabait, hindi mo pa talaga mapangatawanan."
Tinatamad na lumingon si Yuan sa nakatatandang kapatid. Hindi siya nagsalita at tila walang buhay na nakatingin lamang. Sinundan niya si Leanne ng tingin ng lumapit ito sa bay window seat na katapat nila at naupo doon.
"I'll wait for that glass of water here. Pakibilisan."
Naitirik ni Yuan ang mga mata at marahas na bumuntong hininga. Inirapan niya ang nakatatandang kapatid at padabog na naglakad paalis.
Nakakailang hakbang pa lamang pababa sa hagdan ang dalaga ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Sandali siyang tumigil upang lumingon lingon sa paligid. Nang walang makitang walang kahit na sino ay nagpatuloy siya sa pagbaba.
Mas naging alerto si Yuan ng makarating sa receiving area, dahil tulog naman na ang karamihan ay dim lights lamang ang nakabukas sa unang palapag. Ilang beses siyang napalunok habang kinakalma ang sarili. Muli siyang lumingon-lingon sa paligid habang nakakuyom ang mga nanginginig na kamay.
BINABASA MO ANG
2025
Science Fiction⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill the responsibility she had given herself - to save everyone around her in a zombie apocalypse. The ye...