41 - What have I done?

6.9K 554 120
                                    

41 - What have I done?



"Sarah..." Rumehistro ang matinding takot sa mukha ni Kyla noong marinig ang sigaw ng bata. Tila wala sa sariling napatayo siya at nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ni Sarah.



Nabura ang saya sa mukha ng lahat at napalitan ng pag-aalala. Kung normal na pagkakataon ay maaaring isipin na nadapa lamang ang bata ngunit maraming posibilidad kapag nasa isang apocalypse.



"Ma'am Kyla!" sigaw nina Carlo at Bea saka agad na sumunod sa co-teacher nila. Maging si Leanne ay inihagis na lamang sa lupa ang hawak niyang bat at agad na sumunod.



"Ate/Ate Yan!" sabay na sigaw din nina Yuan at Warren at walang pagdadalawang isip na tumakbo din kasunod ng dalaga.



Hindi na nila pinansin ang kabilaang sigaw ng iba pa. Dire-diretso silang nagtungo sa harap ng bahay at natigilan ng makita ang dahilan ng pagsigaw ni Sarah.



"H-How..." Napa-squat si Warren sa lupa habang nakatitig sa mga duguang paa ng nasa labas. Hawak niya pa rin ang sariling baseball bat na itinutukod sa lupa bilang suporta.



Patuloy pa din ang pagtama ng katawan ng zombie na iyon na tila kumakatok sa gate. Nanginginig na ang batang si Sarah kaya agad siyang inilayo doon nina Kyla, Carlo, at Bea.



"How the hell did that get here?" wala sa sariling naibulong ni Leanne, sapat lamang upang marinig nina Yuan at Warren. "It's a 30 minute ride from the main road to reach this place and he just walked? Unconsciously? Without following any sound?"



"We have to kill it," seryosong sabi ni Yuan habang nakatitig sa gate na maya't mayang gumagalaw kasabay ng pagtama doon ng nilalang na nasa labas.



Kunot-noong nilingon ni Leanne ang kapatid at tinaasan ng isang kilay. "It's dead?"



Bumuntong hininga si Yuan at tila nagtitimping nilingon ang kanyang Ate. "You know what I mean."



"Ako na." Tumayo si Warren at isinandal ang bat sa kanyang balikat.



"Want me to get my sword?" mabilis na tanong ni Yuan. Mabilis din niyang tinawid ang distansya sa pagitan nila ng binata.



"You can be a southpaw in baseball but you can't swing a sword with your left hand."



Sabay-sabay na napalingon ang tatlo sa nagsalita. Hinintay nilang tuluyang makalapit si Lucas. Wala na ang mitt sa kamay nito at bitbit na ang bat na kulay ginto.



"He's right. Dito ka na lang," pag-sang ayon ni Leanne habang diretsong nakatingin sa kapatid.



Pasimpleng inilabas ni Warren ang kanyang dila upang belatan si Yuan. Tumawa siya ng umambang hahampasin siya ng dalaga.



"Let's go," walang emosyong sabi ni Lucas saka nilagpasan ang tatlo at lumapit sa gate.



"Wait!"



Muling napalingon ang lahat at sa pagkakataong iyon ay si Jet naman ang nakita nilang papalapit. Tumatakbo ito habang may bitbit na baril.



"Isa lang daw yung nasa labas?" tanong ng binata noong tuluyang makalapit. "Let's just shoot it. Wala namang zombies na maa-attract ng tunog ng gunshot so walang constraints."



"I agree." Inialis ni Yuan ang tingin sa kanyang kaibigan at nilingon si Lucas na nakahawak pa rin sa lock ng gate. "Using a gun will eliminate risks of getting bitten."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon