8 - Save it for later

12.8K 856 319
                                    

8 - Save it for later



Naging mahaba ang biyahe. Tahimik ang lahat sa bus mula ng umandar itong muli. Wala ng umiiyak, wala na ding kumikibo.



Inalalayan ni Yuan si Kenzo na makabalik sa upuan nila ni Mariz. Halos walang buhay na humahakbang ang binata, ni hindi ito makatingin ng ayos sa dinaraanan.



Pansamantalang iniwan ni Mariz ang kapatid na nakahiga at natutulog sa katapat na upuan para damayan ang boyfriend niya. Niyakap niya ito ng mahigpit pero hindi ito gumalaw kahit kaunti.



Nanlulumong inilibot ni Yuan ang paningin sa loob ng bus. Hindi lang basta malungkot ang mga kasama niya, lahat sila ay nagdadalamhati. Tila gumuho na ang mundo ng lahat. Wala pang isang araw sa kaguluhang ito ay para bang sumuko na sila.



Nakayukong bumalik na lamang si Yuan sa unahan ng bus at naupo sa tabi ni Lucas. Kahit ang binata ay hindi rin gumagalaw at nanatiling nakayuko lamang.



"Did I make the wrong call?"



Unti-unting napaangat ang ulo ng dalaga. Hindi niya agad naintindihan ang tanong ni Lucas, pero ng mag-sink in sa kanya na tungkol ito sa nangyari sa bahay nila Kenzo ay agad siyang umiling.



Bahagyang ngumisi si Lucas. Napakunot ang noo ni Yuan kasabay ng pagtingin nito ng diretso sa kanya.



"Okay. Thanks."



Lalong nagsalubong ang kilay ni Yuan dahil sa narinig. "Okay? Thanks? I mean, that's it?"



Nawala ang ngisi sa mukha ni Lucas at bumalik ang annoyed-look na siyang normal expression nito. Natural na sa binata ang palaging naiirita. Nagbabago lamang ang ekspresyon nito sa tuwing ngingisi ito. Para sa lahat ng hindi nakakakilala dito ay madaling sabihin na may galit ito sa mundo.



"Do you expect me to cry?" sarkastikong tanong ng binata.



"No, I don't. Pero ang bilis naman yatang matapos ng pagdadrama mo?"



"I'm not being dramatic."



"Yeah, right. But, you know, it's okay to be sad."



Napatango ang driver na nakikinig sa usapan ng dalawa. Napansin iyon ni Yuan na napaawang na lamang ang bibig at bahagyang napailing. Nilingon din ng dalaga ang katapat na upuan at napansin na wala doon si Marielle. Inaasikaso nanaman ng kanilang Class President ang iba.



"What for?"



Muling naibalik ni Yuan ang tingin sa kanyang katabi. Nagtataka niyang tinignan si Lucas dahil hindi niya naintindihan ang tanong nito.



"What should I be sad for?" paglilinaw ni Lucas sa tanong. Seryoso ito at lalo lamang nagtaka si Yuan.



"Dude, you we're just contemplating about the choice you made earlier. Hindi sa sinisisi kita ah? It's not your obligation to help others. But, clearly, you're bothered by what happened with Ate Kira."



"But would it make a difference? If I sulk here and blame myself, would it bring her back to life?"



Hindi nakapagsalita ang dalaga. Tanggap niyang may point ang kausap pero hindi niya din masabing tama ito. Lalo lamang siyang napaisip kung anong klaseng buhay ang meron si Lucas at kakaiba ang perception nito sa mga bagay-bagay.



"What?" naiiritang tanong ni Lucas pero hindi inalis ng dalaga ang tingin sa kanya.



"I want to hug you," wala sa sariling nasabi ni Yuan. Kahit siya mismo ay nagulat sa lumabas sa bibig niya. Hindi pa man niya nababawi ang sinabi ay muling ngumisi ang binata.



"Do you like me, Yuan?" mapang-asar na tanong ni Lucas. Napalunok ang dalaga kasabay ng pamumula ng kanyang pisngi.



"Hoy!" pabulong na sigaw ni Yuan. Hindi niya nagawang madugtungan ang sasabihin ng marinig ang pagtawa ng driver.



"Manong!" Nanggigigil man, nananatiling pabulong ang pagsasalita ni Yuan.



Mabilis na lumingon ang ngiting-ngiti na driver sa kanila at agad ding ibinalik ang tingin sa kalsada. Natawa din si Lucas na lalong nakapagpasama sa timpla ng mukha ng dalaga.



"Hoy, I just wanted to give you a hug dahil mukhang kailangan mo."



"Save it for later," mapang-asar na tugon ni Lucas. Muli napahagikgik ang driver.



Napa-krus na lamang ng mga braso si Yuan at muling ibinalik ang paningin sa windshield. Nagbabakasakaling may makikitang tao na pwede nilang tulungan. Sinubukan man niyang ituon ang focus sa dinaraanan, hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ng kanyang katabi lalo na ang mga mata nito.



"Anyways, no it won't bring Ate Kira back. But yes, it would make a difference. It would make you feel better after," hindi napigilang sabihin ni Yuan.



Bahagya pang nagulat si Lucas dahil akala niya ay tapos na ang usapan. Nilingon niya ang katabi na hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo. Umayos na lamang ng pagkakaupo si Lucas at tumingin na lang din sa kalsadang tinatahak nila.



"Then I guess I chose not to feel better."



Muling nilingon ni Yuan ang katabi at nagulat siya ng makitang seryoso ito. Naguguluhan man ay napailing na lamang siya.



"And if I had chosen to just seat in one corner and cry, who would you be talking to right now? You're gaining on this situation so stop worrying about my worries, Ignacio."



Nanlaki ang mga mata ni Yuan dahil sa narinig. Hindi niya lang bastang nilingon ang katabi, talagang napaharap siya ng diretso dito.



"You know me?!"



Hindi pa man nakakasagot si Lucas ay biglang nagpreno ng sobrang lakas ang driver.



Nagising ang diwa ng lahat ng estudyante at napasigaw sila ng malakas dahil sa nangyari. Muntik ng tumilapon sa harap si Yuan kung hindi siya agad na nahawakan ni Lucas.



"Manong, ano pong problema?" tanong ni Mariel habang papalapit ulit sa harapan.



Hindi nakasagot ang driver. Kahit si Lucas ay diretso lamang na nakatingin sa labas. Wala sa sariling napatayo si Yuan at mas lumapit sa windshield.



Apat na zombies ang tumatakbo palapit sa bus. Mula ng magbiyahe sila ay sinasagasaan lamang ng driver ang mga bangkay na humaharang sa kanila pero hindi iyon pwede ngayon. Mabibilis ang nasa harapan nila at higit pa roon, may mga bitbit na chainsaw ang mga ito.



Nanigas si Yuan sa kinatatayuan dahil sa bilis ng mga papalapit na zombies. Walang ganoon sa mga napanood niya. Walang zombie ang ganoon kabilis kumilos, at walang ganoon katalino para gumamit ng kung ano mang armas.



Mabilis na hinila ni Lucas ang dalaga kasabay ng malakas na sigaw ng driver.



"Umatras kayo!"

;

2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon