42 - Helicopter

7.3K 516 264
                                    

42 - Helicopter



"Hindi na talaga ako natutuwa." Ipinagkrus ni Yuan ang mga braso habang walang emosyong nakatingin kay Warren na naghahanda para umalis. Halata pa rin sa mga mata ng dalaga, at sa maya't-mayang pagsinghot, na kagagaling niya lamang sa pagiyak.



"Halata naman," sarkastikong komento ni Leanne at agad siyang nakatanggap ng masamang tingin mula sa kapatid. "Bakit kasi hindi ka na lang sumama? Wala namang pumipigil sayo. Sige, ako na bahala mangatwiran kina Mom at Dad."



"Ayoko nga." Tinatamad na itinaas ni Yuan ang kamay niyang nakabalot ng benda. "Hindi naman ako makakalaban, magiging pabigat lang ako. Baka kung ano pang mangyari."



Nagpameywang si Leanne at diretsong humarap sa kanyang kapatid. "Then stop looking like a kid who got her candy stolen by another kid!"



Awtomatikong lumingon si Warren kay Yuan ng marinig ang sigaw ni Leanne. Inaasahan niya ng gaganti ng sigaw ang dalaga at hindi naman siya binigo nito.



"Eh, sa hindi nga ako masaya na hindi ako kasama!"



"You're allowed to come," natatawang paalala ni Warren. Sandali siyang lumingon sa hagdan kung saan pababa na si Lucas bago muling ibinalik ang tingin kay Yuan. "I'm sure naman na hindi kita kailangang alalahanin habang nandoon tayo."



"Nah. I don't wanna risk anybody's life." Umiling iling ang dalaga at napapikit ng madiin. "Why the fuck do I have to be injured?"



"Ask those people who did that to you but you still want to find and help," muling sarkastikong sabi ni Leanne.



"Ate Yan," tila nagwa-warning ang boses na sabi ni Warren saka binigyan ng makahulugang tingin ang dalaga.



Napabuntong hininga na lamang si Leanne.



"They gave me the key for Gov. Sebastian's ranger," anunsyo ni Lucas ng tuluyang makababa ng hagdan. "Manong Jules isn't confident to drive a 4x4."



"Then who will drive?" tanong ni Warren.



"Oy! Mga pare!" Nagulat ang lahat at napalingon sa taas ng hagdan at sa lalaking may malawak na ngiti. "Saan tayo nire?"



"Pareng Gibo!" Masayang sinalubong ni Warren ang lalaki at nakipag-high five pa dito.



"Pareng Warren!"



Napangiwi ang magkapatid na Ignacio noong halos magyakapan na ang dalawa. Hindi din napigilan ni Yuan na magsalita. "Araw-araw naman kayong nagkikita, diba?"



"Magpayakap ka kay Lucas kung naiinggit ka," simpleng sagot ni Warren saka dirediretsong lumabas ng bahay.



Laglag ang panga ni Yuan habang sinusundan ng tingin ang binata. Nagpipigil ng tawa si Leanne habang malakas namang humahalakhak si Gibo na papalabas na din.



"Nagsisisi na 'kong tinulungan ka namin," malamig na sabi ni Yuan habang masama ang tingin sa lalaki.



Agad nawala ang saya sa mukha ni Gibo at nagmukhang apologetic ng muling lumingon kay Yuan. "Oy, wala namang ganyanan."



"Nagbibiro lang siya," naiiling na sabi ni Leanne.



Tila nakahinga ng maluwag si Gibo at muling ngumiti saka dumiretso na palabas ng bahay.



"Why do I always have to interpret your emotions to other people?" muling naiiling na tanong ni Leanne sa kapatid.



Nagkibit balikat lamang ang dalaga saka tahimik na lumabas din ng bahay. Nilingon ni Leanne si Lucas at nagkibit balikat din lamang ito bago sumunod kay Yuan.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon