13 - The Way

12.1K 834 150
                                    

13 - The Way



"Mommy! I want my mommy!"



"I want to go home!"



"I'm scared!"



Hindi matigil sa pag-iyak ang tatlong bata na nasa silid. Pilit man silang pinapakalma ay kasabay na din nilang umiiyak ang apat na gurong kasama nila.



Mahigit kalahating oras na sila sa loob ng silid na kanilang pinagtataguan. Dalawampung minuto na matapos ang tawag na siyang nagsilbing huling komunikasyon nila mula sa labas.



"Yan, wala pa din?" mahinang tanong ni Bea sa kanyang co-teacher na sumusubok makatawag muli.



Itinaas ni Leanne ang cellphone at ipinakita ang screen nito sa kasamahan. "Deadbat na."



Sabay na bumagsak ang balikat ng dalawa. Napansin iyon ni Carlo na nakikinig din sa usapan.



"Nasa kabilang room lang ang mga gamit ko." Napalingon ang dalawa ng tumayo ang lalaki. "Pwede kong kuhanin ang cellphone ko. Siguradong may battery pa 'yon."



"Sir Carlo, wag na," agad na awat dito ni Bea. "Sobrang delikado. Aapat na nga lang tayong natira sa buong faculty..."



Napayuko ang tatlo ng maalala ang sinapit ng kanilang mga katrabaho. Wala ng nakapagsalitang muli lalo at bumalik din sa isipan nila ang nangyari sa mga batang itinuturing na nilang anak. Maging si Kyla na naiwan sa tabi ng mga bata ay natigilan ng marinig ang sinabi ni Bea.



"Teacher Kyla, I really want to go home," mahinang sabi ng pitong taong gulang na si Sarah sa pagitan ng kanyang mga hikbi.



"Sshhh." Hinaplos ni Kyla ang pisngi ng bata. Bagamat naluluha din ay pinilit niyang ngumiti dito. "Tahan ka na then sleep. Gigisingin kita kapag uuwi na tayo, okay?"



Marahang tumango ang batang babae saka tumabi sa dalawang batang lalaki na nauna ng makatulog dahil sa pag-iyak. Nang masigurong ayos na ang kanyang mga estudyante, tumayo si Kyla at lumapit sa iba pang mga gurong kasama niya. "A-Anong gagawin natin?"



Sabay sabay na napahugot ng malalim na buntong hininga ang apat na guro.



"We can't stay here forever but we also can't just go outside." Napakagat si Bea sa ibabang labi. "Paano ang mga bata?"



"Malapit na din dumilim sa labas. Mukhang dito tayo magpapalipas ng gabi." Muling huminga ng malalim si Carlo saka inilibot ang paningin sa laboratory na kinaroroonan nila.



"Hindi pwede. Ni hindi nakapag-recess nung umaga ang mga bata. Kanina pa din sila nagsasabing gutom na sila," pahayag ni Kyla saka muling nilingon ang tatlong bata na natutulog sa sahig.



"But what are we supposed to do?" kunot noong tanong ni Bea.



"We can't do anything but wait for help." Naghila si Leanne ng isang upuan mula sa ilalim ng mahabang table at doon ibinagsak ang sarili. "We also need to pray that there would be help to wait for."



"Paano tayo matutulungan dito? Deds na din si Manong Guard," tanong ni Carlo habang nakataas ang isang kilay. Tinutukoy nito ang security guard ng school na siyang nakabantay sa gate at siyang kauna-unahang tao sa kanilang school na nabiktima ng mga naglalakad na bangkay.



"For sure nakakulong na din sa mga bahay nila ang kung sino mang naka-survive sa labas. Isa pa, walang nakakaalam na nandito tayo." Napapikit na lamang si Bea ng mapagtanto kung gaano kalala ang kanilang sitwasyon.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon