23 - Tired, For Real

8.2K 626 121
                                    

23 - Tired, For Real



"Which one should I get?" Bakas ang kalituhan sa mukha ni Leanne nang itaas ang dalawang container ng fabric conditioner. "Pink or yellow?"



"Just get both!" naiinis na sabi ni Yuan. Kanina pa ito nagpipigil na sumigaw dahil sa sobrang tagal mamili ni Leanne.



"Don't you shout at me, Yuan!" ganting sigaw ni Leanne. "Mas matangkad ka lang, pero Ate mo pa rin ako."



Nasapo ni Yuan ang kanyang noo saka sumandal sa pinakamalapit na shelf. "Don't shout at me, too! Mom woke me up too early for this and why the hell, of all people, ikaw ang kasama ko?"



"Shut up, bitch. I volunteered," taas noong sagot ni Leanne saka inihagis ang kulay pink na container sa isa sa mga shopping basket na kinuha nila.



"Yun na nga eh." Umalis si Yuan sa pagkakasandal sa shelf at sumunod sa kapatid niya na nagpunta sa kabilang aisle. "You never volunteer when it comes to grocery shopping. Bakit naman naisipan mo akong bwisitin today?"



"Kung tinutulungan mo na lang kaya ako?" Nagpameywang pa si Leanne saka humarap kay Yuan.



"May hawak ako." Itinaas ni Yuan ang hawak na espada saka nagkibit balikat.



Napairap si Leanne saka padabog na inilagay ang mga toothpaste sa basket.



Napaismid naman si Yuan dahil sa inasta ng nakatatandang kapatid. "Ginusto mo 'to. You could've just stayed home. Kami lang naman kasi talaga ang palaging namimili, may pagsama ka pang nalalaman."



Mula sa pag-scan sa mga dishwashing liquid ay nilingon ni Leanne ang nakababatang kapatid. "I've been stuck inside our house for more than a month, Yuan."



"It's been more than a month already?!" hindi makapaniwalang tanong ni Yuan.



Tinignan lamang siya ni Leanne habang ibinabagsak ang mga napiling items sa panibagong basket. Muli itong lumipat sa kabilang aisle at walang nagawa ang dalaga kung hindi sumunod.



"Is it true that this is the last grocery store in town with stocks?" tanong ni Leanne habang patuloy sa pagdampot ng mga bagay na sa tingin niya ay kailangan nila.



Tumango si Yuan kahit hindi nakatingin sa kanya ang kapatid. Muli niyang isinandal ang sarili sa shelf. "Kaya ba sumama ka? Para lang ma-experience mong maggrocery shopping for the last time?"



"Yeah. I didn't survive the pandemic of 2020 only to be locked inside our house for a long time again." Tumingkayad si Leanne para abutin ang mga tissue na nakalagay sa pinakataas.



Natatawang napailing si Yuan ng makitang nahihirapan ang kapatid. Hindi siya nag-abalang lumapit para tulungan ito.



"And I just want to inhale the pollution for the last time before I starve to death next week." Tumalon si Leanne para maabot ang tissue. Nang makuha iyon ay nilingon niya si Yuan habang nakataas ang isang kilay.



"The area's clear mga Ma'am." Biglang sumulpot si Warren sa likod ni Leanne. Kasama nito si Lucas.



Naibagsak ni Yuan ang mga balikat ng muling mapagtanto kung sino ang mga kasama niya. Napahugot siya ng malalim na hininga habang nakatingin sa kanila. Si Leanne na nakataas pa rin ang isang kilay, si Warren na napakalawak ng ngiti, at si Lucas na mukhang galit nanaman sa mundo.



"This is the worst team ever," mahina niyang sabi saka naunang lumabas ng store.



Tulad ng sinabi ni Warren ay wala na ngang naglalakad na bangkay sa labas. Ang loob naman ay nauna na nilang linisin bago hinayaang mamili si Leanne. Kaswal na naglakad si Yuan patungo sa bus na nakaparada malapit lamang sa entrance ng grocery store. Kumatok siya sa nakasaradong pinto.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon